Chapter Ten: Darius

79 4 4
                                    

.

Friday na noon ng umaga pero hindi pa rin maka-get over si Misha sa pagbibigay ko sa kanya ng bulaklak. Sobrang kulit niya, tanong nang tanong sa akin kung bakit ko siya binigyan noon. Pero sobrang lambing din naman niya. Tanong siya nang tanong sa akin kung love ko rin siya.

Syempre, hindi ako aamin. Hindi pa naman ako sigurado kung gusto ko nga ba siya o hindi. Hindi ako sigurado sa feelings ko para sa kanya. Oo, okey sa akin na kasama ko siya. Masaya ako kapag katabi ko siya. May kakaibang kilig akong nararamdaman kapag malambing siya sa akin. Pero kung para sa isang kaibigan lang ang feeling na nararamdaman ko para sa kanya, o para 'yon sa isang girlfriend, ewan ko ba. Hindi ko pa alam 'yon sa mga panahong 'yon.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung bakit mo 'ko binigyan ng flower?" pangungulit niya na naman sa akin nu'ng hapon na 'yon habang naglalakad kami palabas ng campus.

"'Di ba sinabi ko na?" sagot ko, napapakamot ng ulo. "Bakit ba ang kulit mo?"

"Eh kasi, hindi ako naniniwala na wala kang dahilan kaya mo 'ko binigyan ng flowers."

"Wala nga. Gusto ko lang. Mabait ka sa 'kin kaya naisip ko na bigyan ka. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Ah, basta. Hindi ako..."

Naputol 'yung pagsasalita niya nu'ng mapansin niya na may nag-aabang sa amin paglabas namin ng gate ng campus. Tatlong lalaki saka isang babae. Nakatitig sila nang masama kay Misha at mukhang may masamang balak.

Babalaan ko sana si Misha pero naunahan niya akong magsalita. "Anong ginagawa mo dito, Tanda?" tanong niya du'n sa kalbo na parang pinuno nu'ng apat.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Misha," sabi nu'ng tinawag niyang Tanda. "Mataray ka pa rin hanggang ngayon."

"Talagang magtataray ako sa mga kagaya n'yo," sagot niya. "Bakit? Ano bang kelangan n'yo?"

Bumuntung-hinga si Tanda saka inihalukipkip 'yung mga braso niya. "Wala naman. Gusto ko lang magpasalamat."

Nagtaka si Misha. "Salamat saan?" tanong niya.

"Dahil hindi mo pinatay 'yung mga bagong tauhan ko na tatanga-tangang umatake sa inyo. Hihingi na rin ako ng dispensa. Mga bobo kasi 'yung mga 'yon. Hindi kinikilala kung sino 'yung binabangga nila."

Umiling siya. "Wala akong balak pumatay, kahit na kayang-kaya kong gawin 'yon. "

Nagkibit-balikat lang si Tanda. "Alam ko. Pero baka nakakalimutan mong nag-iisa ka lang. 'Yang kasama mo, mukhang hindi pa sanay lumaban. Marami kami. Hindi mo kakayaning talunin kaming lahat."

Kumunot ang noo ni Misha dahil doon. "Gusto mo bang subukan 'yung kakayahan ko? Ha?"

Umiling si Tanda. "Hindi naman sa gano'n, Misha. Actually, ayokong magkabanggaan tayo. Kaya sana, wag naman tayong magtalo o magtaasan ng boses sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Konting formality naman kapag nag-uusap tayo para iwas gulo."

Ngumisi si Misha. "Wag mo nga akong pinaiikot, Darius. Alam kong hindi lang pagso-sorry saka pagte-thank you ang sadya mo."

Napatitig ako kay Tanda. Darius pala 'yung pangalan niya, nasabi ko sa sarili ko.

Nagkibit-balikat ulit si Darius. "Well, gaya pa rin ng dati. Gusto sana kitang imbitahang sumali sa kapatiran namin. Siguro naman, alam mo na sa ngayon na mas risonable akong kausap kesa kay Brix."

Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Sino si Brix?

"Makulit ka rin naman, ano?" sagot naman ni Misha. "'Di ba sinabi ko na dati pa? Ayoko. Wala akong balak sumali sa kahit anong kapatiran."

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon