.
"'Bye, Kuya Luke. Ingat ka. Wag kang mag-alala. Maaayos din 'yung problema n'yo ng girlfriend mo..."
Si Coleen 'yon. Nag-goodbye siya sa akin nu'ng paalis na ako para pumasok sa Campus. Hinatid pa niya ako hanggang sa gate. Ramdam ko 'yung concern niya para sa akin sa mga oras na 'yon. Nakakatuwa na sweet pa rin siya sa akin kahit hindi na siya agresibo.
"Sige," sagot ko sa kanya. "Ingat ka din. Thanks sa concern."
"Concerned naman talaga ako sa 'yo, Kuya," dagdag niya. "Akala mo lang siguro, hindi."
Ngumiti na lang ako sa kanya saka lumabas na ako.
"Good morning, Luke," bati naman sa akin nu'ng matandang babae na nakatira sa bahay across the street. Lola Poleng ang tawag namin sa kanya. Nagwawalis siya noon sa harap ng bakuran nila. May mga puno kasi doon na madalas naglalaglag ng mga tuyong dahin.
"Good morning po, Lola," bati ko rin sa kanya. Actually, tuwing nakikita ko siya, naalala ko ang lola ko. Halos magkasing-edad kasi sila. Pareho pa silang puti na lahat ng buhok.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng street namin. Ilang beses din akong lumingon sa bahay nila Tito habang palayo na ako. Medyo nagwo-worry kasi ako nu'ng umagang 'yon. Nag-aalala ako dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. Hindi mawala-wala sa isip ko 'yung sinabi ni Gwen na kung iiwasan kong lumaban sa kanya, 'yung pamilya ni Tito ang papatayin nila.
At kahit napatay ko na si Gwen sa isang laban na hindi ko naman ginusto, naiisip ko na baka gumanti 'yung syota niyang si Brix at baka sila Tito 'yung gantihan. Okey lang sana kung ako 'yung haharapin ni Brix. Lalabanan ko siya kahit saan, wag niya lang idamay sila Tito.
Pero naisip ko rin, hindi naman siguro susugod sila Brix sa bahay nila Tito. Matao sa street namin. Pwedeng silang kuyugin ng mga tao doon. Marami ring pwedeng tumawag ng pulis once na manggulo sila. May nakatira pa ngang pulis malapit sa amin.
Nu'ng malapit na ako sa kanto ng street namin saka ng Military Cut-Off Road, nawala lahat ng iniisip ko na 'yon. Nawala pati lahat ng worries ko.
Nandoon kasi sa kanto si Misha. Nakatayo siya doon at mukhang hinihintay ako.
"Misha?" nasabi ko. Bumilis 'yung paglakad ko kagaya ng tibok ng puso ko.
"Luke," sagot niya, nakangiti sa akin.
Sa tuwa ko at excitement, napatakbo ako. Tuwang-tuwa ako na makita siya ulit. Niyakap ko siya agad nu'ng makalapit ako sa kanya. Mahigpit 'yung naging yakap ko. Miss na miss ko siya. "Misha..."
Yumakap din siya sa akin. Ramdam na ramdam ko na miss na miss din niya ako. "Luke..."
"Na-miss kita, Misha," sabi ko.
"Na-miss din kita, Luke," sagot niya. "I'm sorry hindi ako agad nagpakita sa 'yo..."
"Wag ka nang mag-sorry. Okey lang 'yun. Ang importante, nandito ka na ulit."
"Kelangan ko pa ring mag-explain, Luke. Unfair sa 'yo na nawala ako sa tabi mo ng more than a day. I'm sorry talaga. Naging selfish ako. Masyado akong nag-focus sa kagustuhan ko na maging soulmates tayo. Pero tama ka, so what kung hindi tayo soulmates? So what kung destined partners lang tayo? Ang importante, mahal natin ang isa't isa..."
May naramdaman ako na pumatak sa balikat ko. Nahulaan ko agad kung ano 'yon. Bumitiw ako sa kanya saka ko tiningnan 'yung mukha niya.
Umiiyak siya.
Pinunasan ko agad 'yung luha sa pisngi niya gamit 'yung mga kamay ko. "Tahan na," sabi ko. "'Wag ka nang umiyak. Okey na tayo. Basta mahal natin ang isa't isa. Destined partners tayo kaya kahit anong mangyari, tayo pa rin sa huli..."
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Mystery / ThrillerLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...