Chapter Twenty-Five: The Tour

42 2 2
                                    

.

"Umaga na?" nagtatakang tanong ko pagdilat ng mata ko kinabukasan.

"Yup," sagot naman ni Misha. Katabi ko siya noon. Gaya ng dati, doon siya natulog sa kuwarto ko. Syempre, patago pa rin 'yon at hindi alam nila Tito. Kahit kasi kilala na siya nila Tito bilang girlfriend ko, at wala naman kaming ginagawang masama, hindi pa rin nila magugustuhan na magkatabi kaming natutulog.

"Kapipikit ko pa lang, ah," sabi ko kay Misha "Bakit ang bilis naman yata ng oras?"

Totoo 'yon. Pakiramdam ko talaga, ang bilis talaga ng oras. Ang bilis lumipas nu'ng nagdaang gabi. Parang wala pa sa kalahati 'yon. Parang four hours lang ako natulog, umaga na. Sanay pa naman ako na bumangon sa madaling araw para umihi kaya tantiyado ko ang oras. Pero sa nagdaang gabi, hindi ako nakabangon. Paggising ko sa oras na alam kong nangangalahati pa lang ang tulog ko, umaga na.

"Wag ka nang magtaka, " sabi sa akin ni Misha. Nakayakap siya sa akin noon saka nakaunan sa balikat ko. "Bumawi lang 'yung panahon sa 'yo. Pinaatras mo kasi kahapon ng four hours, kaya binawian ka niya ng four hours din nu'ng natulog ka."

Napatingin ako sa kanya, nagtataka. "Ganu'n ba 'yon?" tanong ko.

"Oo naman," sagot niya.

Napabuntung-hinga na lang ako saka napailing. Sabi ni Misha, ganu'n 'yon. Eh 'di ganu'n 'yon. "Hay naku... Anyway... Good morning, mahal ko." Hinalikan ko siya sa noo.

Gumanti naman siya ng halik sa pisngi ko. "Good morning din, my love."

Humikab ako saka tumingin sa kisame. "Gusto ko pang matulog na katabi ka. 'Wag na lang kaya tayong pumasok?"

Umiling siya. "Sayang ang oras kapag natulog tayo, Luke."

Naisip ko, tama siya. Sayang nga 'yung oras. Nalungkot ako dahil doon. "Oo nga pala. Two days na nga lang pala..."

Bumuntung-hinga siya, tumingin din sa kisame. "Mas maganda siguro, mag-enjoy na lang tayo today. 'Wag tayong pumasok pero gumala tayo. Puntahan natin lahat ng pwede nating puntahan. Hindi naman tayo magbibiyahe. Pwede rin tayong mag-unli-gastos."

Napangiti ako. "Tama. Sige, gala tayo. Last two days kung last two days pero ide-date kita ng two days."

Napangiti rin siya. "Sige. Enjoy 'yun."

Bigla akong may naisip na maliit na komplikasyon. "Payagan kaya ako ni Tito na mag-overnight?" tanong ko.

"Mapapapayag mo 'yun," sagot naman ni Misha. "Ikaw pa. Ang lakas kaya ng powers mo."

Napatingin ako sa kanya. "Pwede ko ba siyang gamitan ng powers para pumayag siya? Hindi ba bawal 'yon?"

"Maliit na bagay lang 'yon, Luke. Sabi ko sa 'yo, 'di ba? Kahit anong gusto mo, pwede."

Napaismid ako. "Papa'no?"

Tumaas 'yung kilay niya. "Ay, ang slow yata ngayon ng boyfriend ko." Hinalikan niya ako sa lips. Smack lang, pero halik pa rin 'yon. "Alam mo na 'yun, 'di ba?" sabi niya pagkatapos.

Para ngang alam ko na kung papa'no. "Gugustuhin ko lang?"

Tumango siya. "Yup."

Nagmamadali akong bumangon. "Sige, kakausapin ko na si Tito," sabi ko.

.

"Pwede pala 'yon?" natutuwa kong sabi kay Misha. "Ginamitan ko ng powers si Tito kaya napapayag ko siya..."

"Sabi ko sa 'yo, 'di ba?" sagot naman ni Misha.

Nasa Enchanted Kingdom na kami noon. Kasalukuyan kaming nakasakay sa Space Shuttle ride. Maaga pa noon pero may konti nang tao. Matagal ko nang gustong bumalik doon ever since nag-field trip kami doon minsan nu'ng high school pa ako.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon