Chapter Fourteen: Magic Arts

63 4 3
                                    

.

"Free snacks kayong lahat kung lalabanan n'yo 'tong boyfriend ko."

Si Misha 'yon. Kasalukuyan niya noong hinahamon sila Troy para labanan ako. Si Troy 'yung tabachoy na lider ng mga gangster sa Euphoria. Sila 'yung nam-bully sa akin nu'ng first time akong pumasok doon. Pero kung naaalala n'yo, tumiklop naman sila agad noon nu'ng dumating si Misha.

One week na ang nakalipas mula nang simulan ko 'yung training ko sa Martial Arts. Marami nang naituro si Misha sa akin. At marami na rin akong martial artists na nakaharap. Actually, lahat yata ng martials arts dojo sa Baguio, napasok na namin ni Misha para makapag-sparring ako. So far naman, sinuswerte pa rin ako. Wala pa akong talo.

Sa araw na 'yon, gusto daw ni Misha na ilaban ako sa hindi lang isang kalaban. Gusto niya, multiple opponents 'yung kalabanin ko. At sila Troy nga ang napagdiskitahan niya.

Tatlo noon sila Troy sa tambayan nila. Nandoon 'yon sa bakanteng lote sa likod ng Euphoria. Hindi naman ako kinakabahan na makalaban sila. Actually, naka-ready na ako noon para sa laban na 'yon. Mataas na ang kumpiyansa ko sa sarili ko noon.

"Ayaw," sagot agad ni Troy sa hamon ni Misha, sabay iling nang sunod-sunod. "Mamaya, mapatumba namin 'yang boyfriend mo, bubugin mo pa kami."

Tumawa lang si Misha. "Ang yabang mo rin, ano, Tabachoy?" sabi niya. "Anong tingin mo sa 'kin, hindi marunong magturo kung papa'no makipaglaban? Tatamaan n'yo siya siguro, pero imposibleng mapatumba n'yo."

Tumaas 'yung kilay ni Troy. "Gano'n? Imposible namang ganu'n na siya kagaling agad. Nu'ng isang buwan lang, takot na takot sa amin 'yan, 'di ba?"

Napailing si Misha. "Nung isang buwan 'yon. Wala ka talagang bilib sa akin, ano? Pero isang tanong, isang sagot. Lalabanan n'yo ba itong boyfriend ko o bubugbugin ko kayong lahat?"

Napakamot ng ulo si Troy. "Lalabanan. Ito namang si Misha, masyadong mainit ang ulo. Basta walang pikon, ha. Kung matalo ko 'yan, wag kang reresbak."

Ngumisi lang si Misha. "Hindi ako reresbak kasi hindi n'yo siya matatalo. At hindi lang ikaw ang lalabanan niya. Kayong tatlo, sabay-sabay."

Gulat na gulat 'yung tatlo. "Ano?"

"Oo. Kayong tatlo. Kapag naman hindi pa kayo pumayag n'yan, ewan ko na..."

"Masyado naman yatang lugi 'yang boyfriend mo kung sabay-sabay kami?" sabi ni Troy.

Umiling si Misha. "Promise, hindi siya lugi. Tama na kasi 'yang satsat. Ano ba? Laban na!"

Nagkibit-balikat na lang si Troy. "Okay. Sabi mo, eh. Laban kung laban."

Tumayo 'yung tatlo mula sa inuupuan nila. Tiningnan nila ako, parang tinatantya kung anong gagawin nila sa akin.

Tiningnan ko lang din sila.

Humakbang sila palapit sa akin. Nakalinya pa sila na para bang makikipagduwelo. Si Troy 'yung nasa gitna. 'Yung mas matangkad na kasama niya, nasa kanan. 'Yung mas maliit, nasa kaliwa.

Ano bang gagawin ko sa tatlong ito? tanong ko sa sarili ko.

Pinaandar ko agad 'yung imagination ko. Una, titirahin ko sa mukha si Tabachoy bago pa makaporma silang tatlo. Tapos, sisipain ko sa sikmura 'yung nasa kaliwa, kasunod 'yung sapak sa mukha habang namimilipit siya sa sakit. Kung makakasuntok 'yung nasa kanan, magli-lean back lang ako at sasakto sa mukha niya 'yung spin back kick ko. Kung hindi naman siya makakasuntok, spin back pa rin, sa mukha pa rin.

Huminga ako nang malalim saka naghanda para gawin 'yung mga 'yon.

Pak! Pak! Pak! Pak!

Isang mabilis na pagkilos, apat na moves na sunud-sunod, at halos one second lang ang dumaan. Ang resulta, tumba 'yung tatlo, hilo, hindi makabangon.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon