Chapter Nineteen: Billy the Kid

49 2 2
                                    

.

"Kuya, Ate, Baguio ba 'to?" tanong ng isang bata sa amin ni Misha.

Hapon na noon, mga four-thirty siguro. Nandoon kami noon sa Session Road. Nag-window shopping kami, tumingin-tingin ng mga damit. Pero wala kaming balak bumili. Isang pitik lang kasi namin, makokopya na namin 'yung designs ng mga damit na nakita namin, libre pa.

Bigla na lang lumapit 'yung bata sa amin. Kung hindi ako nagkakamali, mga twelve years old pa lang siya. Nakapambahay na T-shirt at shorts lang siya. Naka-tsinelas lang din.

"Oo, Boy," sagot ko sa bata. "Baguio na 'to. Bakit? Nawawala ka ba?"

Napakamot-ulo siya. "Oo, Kuya. Hindi ko nga alam kung papa'no ako napunta dito, eh."

Nagtaka ako sa sinabi niyang 'yon. "Hindi mo alam kung papa'no? Hindi ka ba sumakay ng bus o kotse?"

"Hindi, Kuya. Basta napunta na lang ako dito."

"Anong pangalan mo, Boy?" tanong naman ni Misha.

"Ako si Billy, Ate," sagot nu'ng bata. "William Dela Cruz 'yung full name ko."

Kumunot 'yung noo ni Misha. Natahimik siya. Pero hindi ko 'yon pinansin.

Since nagpakilala 'yung bata sa amin, nagpakilala na rin ako. "Ako si Luke," sabi ko. "Ito naman si Misha."

Nginitian niya kaming dalawa. "Nice to meet you, Kuya Luke, Ate Misha."

"Saan ka ba nakatira, Billy?" tanong ko. "Saan ka uuwi kung sakali?"

"Sa Laguna, Kuya," sagot niya. "Sa Alaminos."

"May kilala ka ba dito sa Baguio na pwede mong tuluyan?"

"Wala, Kuya. Wala kaming kamag-anak dito. Sala hindi ko alam kung papa'no ako uuwi."

"Sasakay ka ng bus papuntang Maynila. Tapos, kapag nasa Maynila ka na, sasakay ka ulit papuntang Laguna."

"Wala naman akong pera, Kuya. Wala akong pambayad sa bus."

Napatingin ako kay Misha. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bibigyan namin ng pera 'yung bata. Gusto ko din siyang tanungin kung okey lang ba 'yung sitwasyon sa paligid namin dahil nagdadalawang-isip ako noon. Although gusto ko talagang magbigay, naisip ko rin na baka modus lang 'yon at nagsisinungaling 'yung bata. O kaya, baka patibong lang ng ibang specials 'yung bata, tapos shapeshifter pala. Baka bigla na lang kaming saksakin o laslasan sa leeg.

Umiling naman si Misha. Ibig sabihin, mali 'yung iniisip ko. Hindi nagsisinungaling si Billy. Pero bumulong sa akin si Misha. "Special siya, Luke. Pero hindi talaga siya tagarito. Wala rin siyang alam sa mga nangyayari dito sa Baguio."

"Special siya?" Medyo na-explain noon kung bakit napunta 'yung bata sa Baguio nang walang pera, hindi sumakay sa bus, at nakapambahay pa.

Tumango si Misha sa akin.

"Okey..." Hinarap ko ulit si Billy. "Billy, gusto mo, bigyan na lang kita ng pamasahe pauwi?" tanong ko.

Ngumiti agad si Billy. "Sige, Kuya. Pero mamaya na lang. Mamamasyal muna ako dito sa Baguio. Ngayon lang ako nakapunta dito, eh. Susulitin ko na."

"Eh, papa'no kita bibigyan ng pamasahe mamaya? Aalis na kami."

"Saan ba kayo pupunta, Kuya?"

Hindi agad ako nakasagot. Balak sana naming mag-training noon ni Misha sa bundok kung saan kami madalas. Pero sasabihin ko ba 'yon sa bata?

"Basta, aalis na kami," sabi ko na lang sa kanya.

"Siguro magde-date kayo," tukso niya sa amin, nakangisi. "Magsyota ba kayo, Kuya, Ate?"

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon