Chapter Sixteen: Shadows

66 4 4
                                    

Author's Note:

Sa mga sumusubaybay po sa kwento kong ito... Gusto ko lang pong i-inform kayo na binago ko po 'yung Prologue nito, as in 'yung buong Prologue po. Naisip ko po kasi na hindi masyadong ma-appeal 'yung naunang Prologue at ayoko naman po na gano'n na lang 'yon. Dahil po sa change na ito, mas maganda po siguro na basahin n'yo muna ulit 'yung Prologue bago n'yo basahin ang update ko ngayon.

Isa pa po. Dahil binago ko po 'yung Prologue, inalis ko na din po 'yung first paragraph ng Chapter One. Related po kasi 'yung paragraph na 'yon sa lumang Prologue, kaya dapat din pong alisin. Wala naman pong problema kahit hindi n'yo na basahin 'yung simula ng Chapter One. Common sense na po na kapag nakita n'yo 'yung bagong Prologue, understood na po kung ano 'yung nagbago sa Chapter One.

Anyway, pasensya na po sa changes. Gusto ko lang naman pong pagandahin itong kwento ko habang isinusulat ko pa. Salamat na rin po sa pagsubaybay n'yo dito.

.

CHAPTER SIXTEEN: SHADOWS

"Shadows?" tanong ko kay Misha. Tulala pa rin ako noon. Nangingilabot pa rin 'yung katawan ko dahil sa nangyari.

"Oo," sagot niya. "Sila 'yung kumukuha sa katawan ng mga specials na namamatay o mamamatay na. Mga alagad sila ng kamatayan."

Lalo akong napasimangot. "Patay na si Jimboy?" Gulat na gulat pa kasi ako sa mga pangyayari.

Tumango siya. "Oo, patay na siya."

Napangiwi ako dahil doon. "Nakapatay ako?" Matinding bigat sa dibdib ang pinaghugutan ko sa tanong ko na 'yon.

Agad naman akong hinarap ni Misha. Hinaplos niya 'yung pisngi ko nang sobrang lambing. Hinalikan pa niya ako sa pisngi, tapos hinagod niya 'yung buhok ko. Kitang-kita ko noon sa mga mata niya 'yung pag-aalala niya sa akin. "Luke, hindi mo sinasadya 'yon," sabi niya. "Wag kang mag-isip ng ganyan..."

Pero kahit gano'n katindi 'yung pag-aalala niya, hindi ko na-appreciate 'yon. Mas naka-focus kasi ako noon sa bigat ng konsensya ko kesa sa presensya niya. Hindi kasi ako makapaniwala na nakapatay ako ng tao. Naging kriminal ako. Kahit na special si Jimboy, kahit hindi siya ordinaryong tao, krimen pa rin 'yung nagawa ko.

"Nakapatay ako," pag-uulit ko.

Niyakap ako ni Misha. Hinagod-hagod niya 'yung likod ko. "Ipinagtanggol mo lang ang sarili mo, Luke," sabi niya.

Pero parang hindi ko 'yon narinig. Actually, parang hindi noon importante kahit anong sabihin niya o gawin. "Nakapatay ako," paulit-ulit ko lang sinasabi.

"Luke naman, eh!" angal na ni Misha. Nakayakap pa rin siya sa akin noon pero nakaangat na 'yung mukha niya at nakatingin siya nang malapitan sa akin. "Wag mo namang pahirapan 'yang sarili mo, please. Hindi mo sinadya 'yon. Pinilit mo namang iwasan 'yung away n'yo, 'di ba? Ilang beses mo siyang sinabihan na tama na, pero mapilit siya, eh..."

Umiling ako. "Kahit anong sabihin mo, nakapatay pa rin ako. Homicide pa rin 'yon."

"Hindi 'yon homicide. Self-defense 'yon. Ipinagtanggol mo lang 'yang sarili mo. Kung hindi mo ginawa 'yon, baka ikaw ang napatay niya. Pero malamang, bago niya nagawa 'yon, napatay ko muna siya. Hinding-hindi ako papayag na masaktan ka niya."

Medyo natagalan bago nag-sink in sa akin 'yung huling sinabi niya. Medyo nahimasmasan din ako dahil doon. Ang sweet kasi noon. Hindi ko man masyadong maramdaman 'yung sweetness dahil sa trauma ko sa nangyari, sweet pa rin 'yon.

Naisip ko, papatayin niya talaga si Jimboy kung sasaktan ako ni Jimboy? Papatay siya para sa akin kahit hindi naman siya talaga pumapatay?

Grabe, naisip ko. Mahal na mahal niya talaga ako.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon