.
Mahigit isang taon, saktong sixteen months mula nu'ng magising ako mula sa forty days kong coma, naghihintay pa rin ako sa promise ni Misha na magkakasama kami ulit.
Medyo matagal ding hintayin 'yung sixteen months na 'yon, pero hindi naman ako naiinip. Hindi naman kasi nawala 'yung connection ng mga diwa namin ni Misha. Dahil sa connection na 'yon, lagi kong nararamdamanan 'yung pagmamahal niya. Kapag may problema ako, nararamdaman ko 'yung paglalambing niya para hindi ako ma-stress. Kapag busy ako at nalilimutan kong kumain o magpahinga, nararamdaman ko 'yung concern niya para sa health ko. Kapag natutuwa naman ako, nararamdaman ko na natutuwa rin siya.
Paminsan-minsan, napapanaginipan ko siya. At dahil din siguro sa pagiging kambal ng mga diwa namin, mas marami akong lucid dreams na kasama siya kesa ordinaryong panaginip. Nakakapag-date kami. Nakakapunta kami kahit saan namin gusto. Nakakatabi ko siya, nayayakap, saka nahahalikan.
Madalas, kapag nag-iisa ako, kinakausap ko siya. Hindi ko man naririnig 'yung boses niya, nararamdaman ko naman 'yung reaksyon niya sa mga sinasabi ko. Nararamdaman ko kung gusto niya 'yung suggestion ko o ayaw niya. Nararamdaman ko kung alin ang mas gusto niya kapag may pinagpipilian ako. At nararamdaman ko rin kapag nagseselos siya tuwing may babaeng lalapit sa akin.
Okey na sana ako sa gano'n. Kahit papa'no, kahit indirectly, may communication kami.
Pero pagdating ng month ng November, nu'ng magsisimula na 'yung classes namin sa second sem ng sophomore year ko, biglang nawala 'yung connection namin. Paulit-ulit kong sinubukang kausapin siya—umaga, tanghali, gabi, basta may free time ako—pero hindi na siya nagre-respond. Hindi ko na rin siya nararamdaman.
Actually, kinakabahan na ako noon. Nalulungkot din ako, syempre. Ano na kayang nangyari sa kanya? naitatanong ko na lang sa sarili ko. Siya pa kaya 'yung guardian angel ko? Nandito pa kaya siya sa tabi ko?
"Uy, Luke. Bumubulong ka na naman?" puna ni Nikki sa akin noong second day of classes namin. Saktong tatlong araw na 'yon na wala akong connection kay Misha.
"Ha?"react ko sa tanong ni Nikki. Actually, narinig ko naman 'yung sinabi niya. Hindi ko nga lang alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nahuli niya kasi akong nagsasalita nang mag-isa. Wrong timing 'yon since sinusubukan ko noon na kausapin si Misha. Pero syempre, hindi naman ako aamin kay Nikki kung ano talaga 'yung ginagawa ko. Ano na lang ang magiging reaction niya kung sasabihin kong nakikipag-usap ako sa guardian angel ko, 'di ba?
Actually, friend ko si Nikki pati 'yung boyfriend niyang si Noel. Kaklase ko sila noon sa ilang subjects ko sa UP Baguio. Pare-pareho kaming sophomores at pare-pareho kami ng course. Dagdag pa doon, malapit lang 'yung mga boarding houses nila sa bahay nila Tito kung saan ako nakikitira. Actually, sa bahay ni Lola Poleng nagbo-board si Noel.
Nandoon kami noon sa classroom namin para sa subject na Biology 101. Hinihintay namin 'yung prof namin na ten minutes nang late noon. Hindi lang kami makaalis dahil baka bigla siyang dumating.
"Ang sabi ko, bumubulong ka na naman," pag-ulit ni Nikki sa sinabi niya. "Bakit ba lagi mong ginagawa 'yan?"
"Hay naku, Iska. Masanay ka na d'yan kay Luke," sabi naman ni Noel. "Talagang ganyan 'yang friend natin. May pagka-abnormal 'yan."
"Isko naman," angal ni Nikki. " Hindi kaya siya abnormal. Masyado lang siyang introvert. Pero alam mo, Luke? Kelangan mo na talagang maghanap ng magiging girlfriend mo. Para maging normal naman 'yang buhay mo."
Natawa si Noel. "Eh 'di parang sinabi mo na rin na abnormal siya!"
Siniko siya ni Nikki, pero pabiro lang naman 'yon.
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Mystery / ThrillerLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...