Chapter Twenty-Six: Lucid

53 2 2
                                    

.

Kinabukasan, nagising ako sa malamig na simoy ng hangin na alam kong hindi ko dapat maramdaman sa loob ng kuwarto ko. Narinig ko 'yung mga huni ng ibon na hindi dapat gano'n kalapit kapag nakahiga ako sa bed ko. At iba rin 'yung pakiramdam ng bed ko noon, pati 'yung unan. Sobrang comfortable 'yung bed, parang hindi ordinaryo, parang gawa sa ulap. At parang nakaunan ako sa hita ng isang napakagandang anghel.

Dumilat ako at nakita ko agad si Misha. Nakaupo siya sa may ulunan ko at nakaunan ako sa hita niya. Nakatingin siya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko saka pisngi. Pero kitang-kita sa mga mata niya ang matinding kalungkutan.

Dahil doon, nawala agad sa isip ko 'yung maganda saka masarap na pakiramdam ng paggising ko. Nakaramdam agad ako ng lungkot. Alam ko kasi na 'yun na ang araw na baka magkahiwalay na kami.

Pero pinilit ko pa ring aliwin siya. "Nasa langit na ba ako?" biro ko. "Para kasing nakaunan ako sa makinis na legs ng isang napakagandang anghel."

Hindi siya ngumiti sa biro kong 'yon. "I love you," sabi niya lang, malungkot pa rin.

"I love you too," sagot ko, sabay haplos sa pisngi niya.

Tumingin ako sa paligid kaya na-confirm ko na wala kami sa kuwarto ko. Nasa bundok kami, sa lugar kung saan kami madalas mag-training. Pero may open tent doon at nasa ilalim kami ng tent. May magandang bed doon at doon ako nakahiga. Maraming mga bulaklak sa paligid namin pero wala naman 'yung mga 'yon dati. Obviously, nilikha lang ni Misha ang mga 'yon. Pinaganda niya lang 'yung lugar mula sa isang ordinaryong tuktok ng bundok.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Misha. Pinilit kong maging masigla 'yung boses ko. Pinilit ko ring ngumiti. Naisip ko kasi, ilang oras o minutes na lang, matatapos na 'yung mga oras na magkasama kami. Bakit hindi na lang kami mag-enjoy hangga't kaya namin?

"Wala lang," sagot niya, nakasimangot. "Gusto ko lang dito. Tahimik. Mahangin. Malayo sa ibang tao."

Naisip ko, may katwiran siya. Sa araw na 'yon na baka aalis na siya, mas gusto ko rin na nandoon kami. Kami lang dalawa. Walang istorbo. Walang gulo. Sinabi niya sa akin na nasa daddy niya 'yung desisyon kung mananatili pa siya sa Baguio o hindi, kaya kinakabahan ako sa fifty-fifty na chance na baka mawala siya sa akin. At mahirap kabahan habang nasa gitna ka ng Baguio, lalo na kung nasa Session Road ka.

Sa totoo lang, ayoko siyang umalis noon. Ang gusto ko sana, makasama ko pa rin siya araw-araw. Nasanay na ako sa gano'ng routine namin. Hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko. Naranasan kong mawala siya nang isang araw at parang mamamatay ako sa lungkot.

Pero anong magagawa ko kung pamilya niya 'yung nagpapauwi sa kanya? Pamilya niya 'yon. Para sa akin, mas importante ang pamilya kesa sa isang boyfriend lang.

"Alam kaya ng mga kapatid mo na nandito tayo?" tanong ko kay Misha.

Tumango siya, nakasimangot. "Kahit naman saan tayo pumunta, masusundan nila tayo."

Napabuntung-hinga ako. "Sana naman pagbigyan ng daddy mo 'yung request mo."

"Sana..." sabi niya. Yumuko siya saka suminghot. Noon ko napansin na pumapatak na pala 'yung mga luha niya.

Agad akong bumangon para asikasuhin siya. Pinunasan ko 'yung luha niya gamit 'yung kamay ko. Tapos, niyakap ko siya. "Misha..."

Yumakap din siya sa akin. At mahigpit 'yung yakap niya. 'Yun bang yakap na sobrang higpit na parang hinding-hindi niya ako pakakawalan. "I love you, Luke," sabi niya habang umiiyak. Pumiyok pa nga 'yung boses niya noon. "Kahit anong mangyari... tandaan mo, mahal na mahal kita... Hinding-hindi mawawala 'yung pagmamahal ko sa 'yo...

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon