.
"Mag-iingat ka do'n, Luke. Alagaan mo 'yang sarili mo. Mag-aral ka nang mabuti. Kelangan mong maka-graduate. Isipin mo lagi, ikaw lang 'yung pag-asa natin para makaahon tayo sa hirap..."
Si Nanay 'yon. Binibilinan niya na naman ako. Ilang ulit niya nang ginawa 'yon for the past three days. Pero okey lang. Naiintindihan ko naman siya.
Nasa terminal kami noon ng Victory Liner. Bibiyahe na ako papunta sa Baguio. Sa Baguio ako magka-college. Sinuwerte akong nakapasa sa U.P. Baguio as D.O.S.T. scholar. Swerte talaga 'yon. 'Yun lang kasi ang chance ko makapag-college ako. Hindi kasi kaya ni Nanay na pag-aralin ako. Mahirap lang kami. Tindera lang siya ng isda sa palengke. Hindi rin masyadong marami 'yung naipon ko sa pagtatrabaho sa loob ng isang taon na hindi ako nakapag-aral pagkatapos ng high school. Kulang na kulang 'yon para sa one year tuition pa lang.
"Wag kayong mag-alala, Nay," sagot ko kay Nanay. "Mag-aaral ako nang mabuti. Mag-iingat po ako do'n. Hindi ko po kakalimutan 'yung mga bilin n'yo."
Niyakap ako ni Nanay. Malungkot ako noon pero alam ko, mas malungkot siya. First time 'yon na hindi kami magkikita nang matagal. First time na mahihiwalay ako sa kanya nang matagal. Lumaki ako sa pag-aalaga niya, nag-iisang anak. Mula nang iwan kami ni Tatay nu'ng kapapanganak ko pa lang, kaming dalawa lang ang naging pamilya.
.
Dala-dala ko 'yung lungkot ni Nanay kahit na nakasakay na ako ng bus at nagbibiyahe na. Alam kong mami-miss ko siya. Hindi pa ako sanay noon na mahiwalay sa kanya nang matagal. Kahit sa mga tito ko ako makikitira sa Baguio, hindi naman ako sanay na tumira doon. Ibang-iba pa rin 'yung bahay na 'yon. Hahanap-hanapin ko pa rin 'yung bahay namin, pati na 'yung probinsya na nakalakihan ko.
Mag-isa ako noong nakaupo sa pangdalawahang upuan ng bus. Nakatingin ako sa labas ng bintana. Tinitingnan ko 'yung mga nadadaanan namin, 'yung magagandang view ng Zambales na parang gusto kong i-memorize. Alam ko kasi, oras na mawala 'yung mga 'yon sa paningin ko, matagal bago ko ulit makikita 'yung mga 'yon. Mami-miss ko 'yung bayan namin. Mami-miss ko 'yung mga beach, 'yung magandang sunset kapag hapon, 'yung malalakas na alon, saka 'yung tahimik na mga gabi.
Ilang minuto rin akong gano'n, patingin-tingin sa labas, hanggang mapagod 'yung mga mata ko. Napapikit ako. Nakatulog ako.
Pagdilat ko, wala na kami sa Zambales. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Pampanga na kami noon.
Napansin ko rin na may katabi na pala ako sa upuan. Mukhang napasarap 'yung tulog ko kaya hindi ko napansin 'yung paghintu-hinto ng bus para magsakay ng ibang pasahero.
Nagulat ako nu'ng matingnan ko 'yung katabi ko. Nakatitig siya sa akin noon. Ang ganda niya, at mukhang kaedad ko siya. Maputi siya, may pagkamestisa, matangos ang ilong, mahaba saka tuwid ang buhok na medyo brown ang kulay. Pero matapang 'yung eyes niya saka mukha siyang mataray, pero nakangiti siya noon sa akin.
HInawakan niya 'yung ear lobe niya saka siya nagsalita. "Hi," bati niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang tuwang-tuwa siya habang nakatingin siya sa akin.
"H-Hello," sagot ko. Medyo pumiyok pa ako noon. Noon lang kasi ako nakipag-usap sa isang ganu'n kagandang babae.
"Sa Baguio ka din pupunta?" tanong niya. Hindi nawawala 'yung ngiti niya.
Tumango ako. "O-Oo..." Halos mautal naman ako.
"Ako din. Malayo 'yung biyahe natin."
"O-Oo nga..."
Tiningnan niya 'yung knapsack na kandung-kandong ko. Malaki 'yon, saka punung-puno ng gamit. "Doon ka magka-college?" tanong niya ulit.
Tumango ulit ako. "Oo..."
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Misteri / ThrillerLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...