.
Hindi ako pinatahimik ng mga nangyari sa akin noong araw na 'yon. Kahit nakauwi na ako sa bahay nila Tito, kahit hindi na ako sinundan ni Misha, hindi pa rin ako mapalagay. Maghahating-gabi na, gulung-gulo pa rin ang isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. At hindi rin mawala-wala 'yung kakaibang kilabot na nararamdaman ko.
Papa'no nangyari 'yon? paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Papa'no ako nakauwi? Ako ba'ng may gawa no'n? O si Misha pa rin ang may gawa pero sinasabi niya lang na ako?
Pero kaya talaga ni Misha na mag-teleport? Teleportation ba talaga 'yon? Magic ba 'yon o powers ng maligno? Ano bang klaseng nilalang siya? Tao ba siya o halimaw na nagpapanggap lang na magandang babae?
Grabe. Sana naman, hindi siya maligno...
Nasa ganu'ng kaguluhan ang isip ko nu'ng bumukas nang bahagya 'yung pinto ng kuwarto.
Napalingon ako doon.
Sumilip si Coleen. "Gising ka pa, Kuya Luke?" tanong niya, mahina ang boses, halos pabulong lang.
"Oo," sagot ko.
Ibinukas niya ng todo 'yung pinto saka siya pumasok. "Pwedeng patabi sa 'yo? Hindi ako makatulog nang mag-isa, eh..."
Madilim noon sa kuwarto dahil nakapatay 'yung ilaw. Pero may liwanag na nanggagaling mula sa poste sa kalsada. Sa konting liwanag na 'yon, naaninag ko 'yung itsura ni Coleen.
Natulala ako. Hindi ako nakapagsalita agad.
Kasi naman, naka-evening gown lang siya. Manipis 'yon. Bakat na bakat doon 'yung hubog ng katawan niya. Halata ring wala siyang bra dahil bakat na bakat 'yung dibdib niya.
Lumapit siya sa akin saka umupo sa gilid ng kama. "Sige na, Kuya. Please... "
Gaya ng nasabi ko na, close kami ni Coleen, lalo na noong mga bata pa kami. At noong mga bata pa kami, tuwing magbabakasyon siya sa Zambales, doon siya sa amin tumitira at magkatabi kami palagi sa pagtulog.
Naisip ko na baka na-miss lang niya na makatabi ako, gaya ng dati. Ayoko sana, kasi dalaga na siya at binata na ako, pero makakatanggi ba ako?
"S-Sige," sagot ko na lang. Umusog ako para bigyan siya ng space sa kama.
Humiga siya agad sa tabi ko, sumalo sa kumot ko, saka dumikit sa akin.
Nakatingin naman ako sa kanya habang ginagawa niya 'yon. Pero doon sa mukha niya ako nakatingin. Pinipigilan ko noon ang sarili ko na tumingin pababa, papunta sa halos hubad nang katawan niya. Ayokong mabastos siya kahit konti. Pinsan ko siya. Close kami. Concerned ako sa kanya.
"Hindi ka ba giniginaw d'yan sa suot mo?" tanong ko.
Ngumiti lang siya sa tanong ko. "Medyo maginaw kapag walang kumot," sagot niya. "Saka 'pag walang katabi." Tapos pumihit siya paharap sa akin. Yumakap siya sa akin. 'Yung isang braso niya, iniyapos niya sa dibdib ko. 'Yung isang hita niya naman, ipinulupot niya sa mga hita ko. Tapos, idinikit niya pa 'yung katawan niya sa tagiliran ko.
At dahil manipis 'yung evening gown niya, ramdam na ramdam ko 'yung katawan niya.
Nanigas ako dahil doon.
"Mag-sweater ka kaya?" sabi ko sa kanya. Naisip ko kasi na paraan 'yon para hindi ko masyadong maramdaman 'yung katawan niya.
"Wag na," sagot niya lang. "Okey na 'ko sa ganito." Tapos, mas lalo pa siyang dumikit sa akin.
Ay, grabe, nasabi ko na lang sa sarili ko. Kung okey siya sa ganu'n, ako hindi...
"Bakit 'di ka makatulog, Kuya Luke?" tanong naman niya pamaya-maya.
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Misterio / SuspensoLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...