Chapter Eight: Chicks

75 4 2
                                    

.

"Musta ang first day mo, Kuya?" tanong sa akin ni Coleen pag-uwi ko. Nakaupo siya noon sa sofa pagdating ko sa bahay.

"Okay lang," sagot ko. "Freshmen orientation lang naman kanina. 'Yung first subject ko lang ang nagklase."

Tumangu-tango siya. "Ah, oo nga pala. Ganyan din 'yung kwento ni Kuya Carlo nu'ng first day of classes niya sa UP Diliman. Freshmen orientation lang daw."

Medyo pagod ako noon kaya umupo na rin ako sa sofa. Naglakad lang kasi ako mula sa U.P. Hindi naman masyadong malayo 'yon, pero nakakapagod pa rin kahit papa'no.

Tumayo naman agad si Coleen mula sa kinauupuan niya saka tumabi sa akin. As in, dikit na dikit sa akin. "Na-meet mo na ba 'yung mga classmates mo, Kuya?" tanong niya na naman.

Hindi ko naintindihan 'yung tanong niya dahil na-conscious agad ako sa pagdikit niya sa akin. "Umusog ka nga," sabi ko.

Tiningnan niya ako nang nakataas 'yung kilay. "Ha?"

"Umusog ka. 'Wag kang masyadong madikit."

"Bakit?" angal niya, nagtataka.

"Eh kasi, baka makita tayo ni Tito. Ako'ng mapagalitan nu'n."

Umiling siya. "Hindi 'yun. Alam naman nila na close tayo, 'di ba? Saka wala sila dito ngayon. Nandu'n sila sa farm. Gagabihin 'yung mga 'yun." Yung strawberry farm sa La Trinidad ang ibig niyang sabihin.

"Pero 'wag ka pa ring madikit," sabi ko pa rin. "Baka may magselos."

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "May magseselos? As in, may magseselos talaga, Kuya?"

Sa dating nu'ng reaksyon niya, parang inisip niya agad na may babaeng magseselos sa pagtabi niya sa akin. Sa totoo lang, naisip ko na meron naman talaga. Si Misha. Pero kahit alam kong nagseselos talaga si Misha, ayoko pa ring banggitin kay Coleen ang tungkol sa kanya.

"Syempre, baka magselos 'yung boyfriend mo," sabi ko na lang.

"Wala na akong boyfriend, Kuya," sagot ni Coleen. "Nalimutan mo na ba? Nag-break na kami."

Oo nga pala, nasabi ko sa sarili ko. 'Yun nga pala 'yung ginawa niya nu'ng niyaya niya ako sa Euphoria nu'ng isang araw.

Nag-isip na lang ako ng palusot. "Kahit na. Wala pang three months mula nu'ng nag-break kayo."

Ngumisi siya. "Ikaw ha, Kuya. Nanonood ka pala ng John Lloyd-Bea..." 'Yung movie na 'One More Chance' ang tinutukoy niya, kung saan nabanggit yung 'three month rule' sa mga nagbe-break na magsyota. Hindi daw dapat makipagrelasyon agad 'yung dalawang kabe-break pa lang, kung wala pang three months.

Hindi naman ako naniniwala du'n. "Hindi ko napanood yun," pagsisinungaling ko. "Ikinuwento lang nu'ng mga kabarkada ko sa 'kin 'yun."

Humagikgik naman si Coleen na parang pinagtatawanan ako. "Maniwala ako sa 'yo, Kuya," sagot niya. "Hindi ko pa sinasabi 'yung title ng movie, parang alam na alam mo na."

Oo nga naman, naisip ko. Napailing ako. Ako na ang umusog palayo sa kanya. "'Wag mo ngang baguhin 'yung usapan. Basta 'wag kang dikit ng dikit sa akin. Hindi maganda. Magpinsan tayo."

Sumimangot siya. "Eh, bakit nu'ng isang gabi, pumayag kang magtabi tayo?"

"Minsan lang 'yun. Napuyat nga ako nu'n, eh."

"Bakit ka naman napuyat?"

"Eh, kasi katabi kita."

Parang may kumislap sa mata niya dahil sa sinabi ko. "Ano namang masama kung katabi mo 'ko?" tanong niya.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon