.
Sabado ng umaga. Inutusan ulit ako ni Tita Charm na bumili ng pandesal sa bakery sa kanto. Mga five thirty pa lang noon. Wala pang taong nakatambay o naglalakad sa kalsada sa lugar namin. Wala pa ring sasakyan na dumadaan.
'Di gaya ng karaniwang nangyayari tuwing umaga, wala si Misha sa paligid nang lumabas ako ng bahay. Medyo nalungkot ako dahil doon. Nasanay na yata ako na umaga pa lang, nakikita ko na siya. Ugali pa naman niya na basta-basta na lang sumusulpot kung saan ako nandoon. Aminado na rin ako na nami-miss ko na siya kapag hindi ko siya nakikita, kahit pa ramdam na ramdam ko kung ano 'yung nararamdaman niya noon dahil sa ginawa niyang connection sa mga kaluluwa namin.
Syempre, ramdam din niya kung ano 'yung nararamdaman ko noon. Malamang, tuwang-tuwa ang loka dahil miss ko siya.
Pero flattered na flattered talaga ako sa feelings ni Misha para sa akin. Mahal na mahal niya talaga ako at lagi siyang nag-aalala para sa akin. Hindi lang talaga ako makapaniwala na may babaeng magmamahal sa akin nang gano'n.
Pagkatapos kong makabili ng pandesal sa bakery, nu'ng pabalik na ako sa bahay, bigla akong hinarang ng isang magandang babae. Nakilala ko agad kung sino siya. Si Sophia, 'yung babaeng kasama ni Darius noong nakaraang araw. Nakaharap namin sila ni Misha paglabas namin ng campus. Siya 'yung syota ni Darius na in-offer pa sa akin kung sasali ako sa grupo nila. Payag na payag naman siya sa offer na 'yon, kahit alam ko na alam niya at alam n'yo rin kung ano ang ibig sabihin ng offer na 'yon.
"Hi, Pogi," sabi niya sa akin.
"Hi," sagot ko lang, paiwas ng tingin. Oo, maganda siya, pero kung ikukumpara ko siya kay Misha, wala siya. Kahit nga kay Coleen, hindi siya uubra.
"Luke, right?"
Tumango ako. "Oo, ako si Luke."
"Ako si Sophia." In-offer niya 'yung kamay niya.
Hindi ko 'yun kinamayan. "Kilala na kita," sabi ko. "Ikaw 'yung girlfriend ni Darius, 'di ba?"
"Yup. Pero hindi ko siya kasama ngayon."
Talaga? gusto ko sanang itanong. Lumingon-lingon pa ako sa paligid. Baka kasi nandoon lang sa tabi-tabi 'yung syota niya at nakabantay sa kanya. Pero wala akong makitang Darius sa paligid.
"Wala nga yata siya," sabi ko.
"Hindi ka naniniwala sa akin na wala siya?" tanong ni Sophia.
Napakamot na lang ako ng ulo. "Medyo hindi. Alam mo na..."
"Trust me. Wala siya talaga. Hindi niya alam na nandito ako."
"Bakit ka nga ba nandito?" tanong ko.
"Kasi, gusto kita," sagot niya. "So I want to see you. Hindi ba obvious?"
Natulala ako sa sinabi niya. Natulala ako kasi flattered na naman ako. Pangatlong babae na siya na umamin sa akin na may gusto sa akin. Bakit parang gumuwapo yata ako mula nang tumira ako sa Baguio?
Pero may duda pa rin ako. Nire-recruit nga nila ako, 'di ba? Syempre, pwede niyang idaan sa pambobola 'yung pagre-recruit nila sa akin.
"Sa ganda mong yan, magugustuhan mo ko?" tanong ko.
Natawa siya dahil doon. "Ang humble mo naman masyado," sagot niya. "Mas guwapo ka kaya kesa kay Darius."
Napangiti ako. In fairness, sa standards ko, totoo 'yung sinabi niya. Mas guwapo naman talaga ako kesa kay Darius. Pero syempre, magpapa-humble effect muna ako. "Talaga lang ha," sabi ko.
Tumango siya. "Oo. Ang pangit kaya ni Darius."
Gusto kong matawa doon. "Eh, bakit siya 'yung naging boyfriend mo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Misterio / SuspensoLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...