Chapter Twenty: The Hunted

63 2 3
                                    

.

"Salbahe ka, Misha. Tinakot mo naman masyado si Coleen. Hinimatay tuloy 'yung tao."

Ako 'yon. Kausap ko si Misha habang naglalakad kami papasok sa Campus. Pwede kaming mag-teleport papasok pero mas gusto naming maglakad. Enjoy kasi 'yung tinatawag na HHWW—holding hands while walking.

Natawa lang si Misha sa sinabi ko. "Hindi niya naman alam na ako 'yung nanakot sa kanya," sagot niya sa akin. "Ang akala niya, nanaginip lang siya na may nakasalubong siyang aswang pagbukas niya nu'ng pinto ng kuwarto mo. Doon naman siya nagising sa bed niya."

Natawa na lang din ako. "Nakakatakot kaya 'yung mukha mo nu'ng aswang ka. Saka buti na lang, hindi siya nagising nu'ng binubuhat ko siya papunta sa bed niya. Kung nagising 'yon, buking tayo."

Nagkibit-balikat lang si Misha. "Kasalanan niya naman kasi. Bigla na lang siya papasok sa kuwarto mo sa kalagitnaan ng gabi. Hindi man lang kumatok. Ini-lock na nga natin 'yung pinto, ginamitan niya pa ng master key."

"Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba?" sabi ko. "Bahay nila 'yun. Pwede siyang pumasok kahit saang kuwarto. Hindi ko siya pwedeng pigilan."

"Well, sa akin hindi pwede 'yung gano'n. Boyfriend na kita kaya pipigilan ko talaga siya kapag nagbalak siyang dumikit sa 'yo."

Napangiti ako doon, kinilig din. Naisip ko, selos na selos talaga siya kay Coleen. Sabagay, naiintindihan ko naman siya. May kalandian naman talaga 'yung pinsan ko na 'yon.

Idinikit ko na lang 'yung balikat ko sa balikat niya. "Ang girlfriend ko talaga," sabi ko.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad. At dahil magka-holding hands kami, napatigil din ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Si Sophia," sagot niya. Nakatitig siya sa daan na nasa kaliwa namin. Nasa isang intersection na kami noon.

Sinundan ko 'yung tingin niya. Nakita ko si Sophia, tumatakbo papunta sa direksyon namin, may punit ang damit, may mga sugat sa braso, at mukhang takot na takot. Sa unang tingin, parang may nag-attempted rape sa kanya. Tapos hinahabol pa rin siya nu'ng rapist.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko.

Hindi naman sumagot si Misha. Bumitiw siya sa akin saka siya tumayo sa harap ko na parang haharangin niya si Sophia kung aatake ito. Nagliwanag na rin 'yung mga kamay niya, nakahanda sa pakikipaglaban.

Nakita 'yon ni Sophia pero hindi niya 'yon pinansin. Dere-deretso lang siya sa amin. Nakakaawa 'yung itsura niya.

"Tulungan n'yo 'ko," sabi niya nu'ng makalapit siya sa amin. "Please... tulungan n'yo 'ko..."

Nakaamba na noon 'yung nagliliwanag na mga kamay ni Misha. Masama 'yung tingin niya kay Sophia, ayaw magpakasiguro. Pero ganu'n talaga si Misha. Lalo na't kasama niya ako. Protective talaga siya sa akin. Saka alam naman namin pareho na magaling magkunwari si Sophia.

Pero naawa ako noon kay Sophia. Ramdam ko—at parang ibinubulong ng liwanag sa akin—na totoong nangangailangan siya ng tulong.

"Anong problema?" tanong ko sa kanya.

"Hinahabol ako ng mga anino," sagot niya. "Lumaban ako, pero hindi ko sila kaya. Itago n'yo 'ko. Ilayo n'yo 'ko dito."

Anino? tanong ko sa sarili ko. Mga shadows? Pero bakit siya hinahabol?

Napatingin ako sa mga braso niya. May mga pilas 'yung balat niya doon. Naisip ko, epekto ba 'yon ng paglaban niya sa mga shadows?

Nagkatinginan kami ni Misha. Pareho ang naisip namin noon.

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon