Chapter Nine: Courtship

92 4 3
                                    

.

Kinabukasan, maaga ulit akong gumising para maaga akong makapaghanda sa pagpasok. Second day of classes na noon. Wala nang freshmen orientation. May tatlong subjects ako sa araw na 'yon at sigurado akong mami-meet ko na 'yung mga professors ko saka 'yung iba ko pang kaklase na hindi naka-attend sa English class namin nu'ng nakaraang araw.

Sa totoo lang, eight thirty pa 'yung unang klase ko noon. Walking distance lang din naman ang UP Baguio mula sa bahay nila Tito. Pero seven thirty pa lang, lumabas na ako saka nagsimulang maglakad. Wala lang. Gusto ko lang, maaga ako.

Malayo pa ako sa kanto ng Hillside Road saka Military Cut-off Road kung saan ako dumadaan palagi, nakita ko agad doon si Misha. Halatang inaabangan niya ako.

Tumigil ako sa paglalakad nang makalapit ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya pero napapailing din. "Ang aga mo naman yata," puna ko.

Gaya ng dati, matamis na naman 'yung ngiti niya sa akin noon. "Maaga ka din kaya," sagot niya.

Nagkibit-balikat lang ako. "Ang layo ng bahay n'yo dito, ah. Bakit sinundo mo pa 'ko?"

Nagkibit-balikat din siya. "Gusto ko, eh. Masama ba?"

Sinubukan ko siyang biruin. "Hindi naman," sagot ko. "Pero bakit nga? Nililigawan mo ba 'ko?"

Napahagikgik siya dahil doon. "Bakit? Pwede ba?"

Kinilig ako dahil doon. Pero itinuloy ko lang 'yung pagbibiro ko. Nagkamot ako ng ulo saka nagkunwari na ayaw ko. "Ano kasi, eh. Para kasing hindi tayo bagay. Ang ganda mo kasi. Hindi naman ako guwapo."

Bigla naman siyang nagseryoso. "Guwapo ka," sabi niya. "'Wag kang negative d'yan."

Sa totoo lang, lalo akong kinilig doon. Akalain mong sabihan ako ng isang napakagandang babae na guwapo ako? Pero syempre, hindi naman ako mayabang na tao para tanggapin ko agad 'yung papuri niya na 'yon. "Malabo ba 'yang mata mo?" sabi ko. "Ordinaryo lang ako. Wala pang babaeng nagkaka-crush sa akin."

Ngumiti lang siya. "Meron na. Ako. Crush kaya kita. 'Yung ibang babae siguro, malabo 'yung mga mata. Basta ako, nakikita ko kung ga'no ka kaguwapo."

Lalo pa akong kinilig. Pero ewan ko ba. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na magkakagusto siya sa akin. "Seryoso ka ba?" tanong ko, seryoso na.

"Oo naman," sagot niya. "Crush talaga kita. Para ngang sobra pa sa crush, eh. Gustung-gusto talaga kita."

Parang gusto kong sumigaw noon sa tuwa. Pero syempre, magpipigil ako. "Bakit? Wala ka bang ibang lalaking nagugustuhan? 'Yung mas guwapo sa 'kin?"

Tiningnan niya lang ako nang sobrang pungay ng mga mata niya. "I have my eyes only on you."

Napakurap ako nang ilang beses dahil doon. "Pero bakit ako?"

Inirapan niya ako, pabiro. "Basta ikaw ang gusto ko. Kaya liligawan talaga kita, sa ayaw mo't sa gusto."

"Grabe," nasabi ko na lang. "Hindi ako sanay sa ganito. Saka ang alam ko, lalaki ang nanliligaw sa babae, hindi baligtad."

"Eh hindi ka naman marunong manligaw, 'di ba? So bakit hihintayin pa kita?" sagot niya.

Natulala ako doon. Aray ko, nasabi ko sa sarili ko. Sapul ako doon, ah.

Pero totoo naman 'yung sinabi niya. Hindi talaga ako marunong manligaw. Isa talaga akong dakilang torpe noong mga panahon na 'yon.

Kaya hindi naman ako na-offend sa sinabi niya.

Pero tiningnan ko pa rin siya nang masama. Kunwari, nainis ako.

Three seconds niya akong tiningnan nang seryoso. Tapos, natawa siya. "Joke lang!" sabi niya. "Ito naman. Hindi ka na mabiro."

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon