Chapter Twenty-Three: Gwen

65 4 2
                                    

.

Kinabukasan, excited akong nag-prepare para sa pagpasok sa Campus. Maaga akong gumising, gumawa ng mga trabaho ko sa bahay, nag-almusal, naligo, saka nagbihis. Excited ako na makita ulit si Misha. Miss na miss ko na siya.

Bago ako umalis ng bahay, pumitas ako ng isang puting rose mula sa garden ni Tita Charm. Balak kong ibigay 'yon kay Misha. Hindi na ako nagpaalam kay Tita since alam kong hindi siya papayag. Pero alam ko naman na hindi niya 'yon mapapansin. Ako na naman kasi ang nag-aalaga sa garden niya mula nu'ng makitira ako sa kanila. Hindi niya rin naman binibilang 'yung mga flowers ng mga halaman niya.

Alam ko, pwede akong gumawa ng isa o mas marami pang white roses mula sa wala gamit 'yung powers ko. Pero gusto ko sanang bigyan si Misha ng something na hindi galing sa magic, something na pinaghirapan ko. At kahit papa'no naman, pinaghirapan ko naman 'yung rose na 'yon. Ako naman talaga 'yung nag-aalaga sa halaman na pinanggalingan noon.

Pagkatapos kong pumitas ng rose, nag-teleport na ako agad papunta sa labas ng Campus. Hindi ako naglakad gaya ng palagi kong ginagawa. Wala naman kasi si Misha na lagi kong nakakasabay sa paglalakad. Saka gusto kong makarating agad sa Campus para makita siya agad.

Pero wala si Misha pagdating ko sa Campus. Hindi rin siya pumasok sa mga classes namin. Hindi ko alam kung sinadya niya 'yon o may sakit siya, pero absent siya noong araw na 'yon.

Bandang lunchtime, sinubukan kong mag-teleport papunta sa mansyon nila sa Camp 6, para malaman ko kung okey lang siya. Pero nakakapagtakang hindi ako makapunta doon. Tuwing susubukan ko, bumabalik lang ako sa pinanggalingan kong pwesto. Parang tumatalbog 'yung teleportation powers ko sa hindi ko malamang dahilan.

Bakit kaya? tanong ko sa sarili ko. Bina-block niya ba ako sa bahay nila? Pwede ba 'yon? Pero bakit niya naman ako iba-block?

Ang ginawa ko, nag-teleport na lang ako sa bundok kung saan kami madalas. Baka kasi matsambahan ko na nandoon siya.

Wala naman siya doon.

Sumunod akong nag-teleport sa Limbo. Wala lang. Baka makatsamba lang din.

Wala rin siya doon.

Sa huli, sa Burnham Park ako nag-teleport. Hinanap ko siya sa buong area ng park.

Pero wala rin siya doon.

Wala na akong maisip na lugar kung saan siya hahanapin pagkatapos noon.

Naisip ko, baka nandu'n lang siya sa mansyon nila. Baka masama pa rin 'yung loob niya kaya naka-block ako doon. Ayaw niya pa siguro akong makita o makausap.

Wala akong nagawa kundi magmukmok na lang sa Campus sa buong maghapon.

.

Pagdating ng hapon, nu'ng pauwi na sana ako, nilapitan ako ng isang kaklase naming babae—si Camille, kaklase namin sa English. Siya 'yung naging kapartner ko sa isang maikling play project namin. Naalala ko, selos na selos si Misha sa kanya dahil doon.

"Hi, Luke," bati niya sa akin paglapit niya.

"H-Hello," sagot ko naman. Medyo nag-aalangan ako sa paglapit niya na 'yon. Kung nandoon kasi si Misha, malamang hindi magugustuhan ni Misha 'yon.

"Wala 'yung girlfriend mo?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala, eh."

Bahagya siyang umismid. "Mukhang may problema, ah."

"Problema?" tanong ko.

Itinuro niya 'yung rose na dala-dala ko mula pa noon umaga. "Ayan, oh. Mukhang peace offering 'yan pero hindi mo naibigay."

Love Undying in the City of Immortal DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon