MSN2 chap 6-WW-III
“and all I can do is hope and pray… coz heaven knows”
“Keyla, nakikiusap ako... please, kung galit ka sa akin saktan mo ako, sampalin mo hanggang gusto mo... pero wag ka namang ganyan oh.. Keyla ako to! Si Gab!”
“Kuya naman eh... di talaga kita kilala.. ngayon lang kita nakita...”
I still remember the last time I walked with her… masaya naman kami noon... sobrang saya... tapos ngayon, wala na... di na ba talaga ako naaalala?
Bakit nagkaganon? Ginawa ko naman ang lahat di ba? Kahit nagkaron ng misunderstanding eh ginawa ko pa rin ang lahat. Hinintay ko pa rin sya kasi sabi nya, babalik sya... bumalik naman siya... pero yung feeling na sa isang iglap, wala na ang lahat, di ko kayang isipin. Nakakapanghinayang.
Ano bang dapat kong gawin? Dapat isipin?
*toktoktok
“pasok.. bukas yan...”
“Gab... ok ka lang? Kumain ka muna oh..”
Pinagdala ako ni Izzy ng tuna sandwich sa kwarto ko.
“salamat...”
“totoo bang gising na si Keyla?”
“yup.... galing ako dun kanina...”
“oh eh bakit parang di ka masaya?”
“Hindi ko talaga alam kung pano ipapaliwanag.. kung anong sasabihin ko... kasi.. kasi... hindi ko alam kung anong nangyari, kung galit lang ba siya saken o... pero kilala nya naman si Mika... bakit ganon...?”
“kahit ako di kita naiintindihan, linawin mo kaya...”
“hindi nya ako kilala...”
“oh shocks...” gimbal si Izzy sa narinig... “di ka niya kilala..? as in ikaw lang ang di nya kilala?”
“yata.. h-hindi ko pa alam.. basta, kilala nya naman si Mika... pero bakit ako hindi?”
“baka naman pinagtitripan ka lang ni Keyla?”
“tingin mo ba kaya nya gawin yun?”
“hmmmm... h-hinde...”
“kita mo na? Kaya siguradong hindi sya nagbibiro.”
Pati si Izzy ay naguguluhan na rin sa takbo ng mga pangyayari. At heto na naman ako sa pagluha ko. Sa kabilang parte ng utak ko eh hindi ko mapigilang isipin na san na nagpunta ang lahat ng ala-ala. At dahil dun ay muling tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil.
Nahiya ako kay Izzy. First time nya ako nakitang umiiyak ng ganito. Bakit naman kasi sa lahat pa ng malilimutan nya, ako pa? Kung kelang handa na akong dalhin sa may seryosong sitwasyon ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa.
“Gab... suko ka na ba?”
“what do you mean?” sabi ko.
“I still remember nung araw na tinanong kita kung anong gagawin mo kung malaman mong hindi pala ikaw yung taong gusto ni Keyla...”
Then everything came back so fast...
“what if malaman mong hindi pala ikaw yung lalaking yun?”
“then I’ll make her fall in love with me...”
“what if nakalimutan nya na pala yung pagmamahal nya sayo if ever maconfirm kong ikaw yun?”
“then I’ll make her fall in love with me again...”
“if susuko ka na agad dahil nalimutan ka ni Keyla, ibig sabihin di mo kaya tuparin lahat ng sinabi mo.”
I was left dumbfounded. Bakit nga ba ako umiiyak? Di porke nalimutan na ako ni Keyla eh tapos na ang lahat di ba? Isip lang ang nakakalimot pero hindi ang puso. Tama. May paraan pa, di ako dapat sumusuko. Mahal ko si Keyla hindi dahil alam kong mahal nya ako.
I then fixed myself. Of course, I thanked Izzy. Kapatid ko nga sya, very supportive. Sana lang pareho kami ng dami ng fighting spirit. Sana lang di ako maubusan non, dahil pag nagkataon, anytime, pwede ako sumuko.
Pero hindi ako susuko.
Later that afternoon, bumalik ako sa ospital para muling bisitahin si Keyla. I won’t care kung di nya ako natatandaan o kung di nya ako kilala. Ang mahalaga, maiparamdam ko sa kanya na mahal ko sya.
Sabay kami pumasok ni Mika. Nagpasundo kasi ako sa kanya sa lobby. Baka kasi di ako papasukin ni Keyla. At least pag andyan si Mika, pwede nya ako tulungan kay Keyla.
Nauna ako pumasok. Akala ko makakapag-usap kami pero may tao sa loob. Then I saw a man who looks familiar. He’s bringing flowers for Keyla. Nahiya naman ako, kasi ako, walang dala kundi sarili ko.
She didn’t notice that I’m inside. They were both singing a song. Nakakaselos, after all kala ko magagawa kong tatagan ang loob ko. Pero makita lang sya na masaya kasama ng ibang lalaki makes me feel weak. Ang malala pa, they look good together.
At last I remember him. Sya yung kaduet ni Keyla nung nagperform sila sa BSU. Dwayne yata ang pangalan nya.
Bigla pumasok si Mika kaya naman nakita rin ako ni Keyla.
“oy Kuya!! Andito ka rin pala? Sorry ah, di kita napansin kasi maraming tao eh. Gab ba pangalan mo? Siyanga pala, sila yung mga kaklase ko sa BSU, sina Dwayne, Rica, Tyron saka marami pang iba. Ay classmates si Gab nga pala. Sabi ni Mika super close daw kami nyan eh, kaya lang di ko na sya maalala. Ok lang ba sa inyo na kasama natin sya?”
Tumango ang lahat. Lumapit naman saken yung asungot at kinamayan ako.
“Nice to meet you pare, Dwayne Joaquin nga pala. Kaklase ni Keyla sa BSU”
“yeah i know, I’m Gabrielle Anthony Lozano....” di ko maituloy yung sasabihin ko. Di ko alam kung pano ako magpapakilala. Sasabihin ko ba na MU kami ni Keyla dati?
Saka ko narealize, ang engot ko talaga. Sana man lang niligawan ko si Key bago sya nagpunta ng BSU. Sana man lang naging kami. Kasi kahit ako, di ko alam kung pano ko ipapakilala ang sarili ko kay Keyla. Di ko naman pwedeng sabihin na “keyla ako ang first love mo”. oh di ba parang ang feeling ko naman pag ganun?
“.....kaibigan ni Keyla.”
Masakit. Oo, masakit. Hanggang kaibigan lang pala. Hindi dahil hindi kami pwede mag-exceed dun, kundi magkaibigan lang kami nung bago sya umalis. Kaya hanggang kaibigan lang ang pwede ko ipakilala.
“salamat pare sa pagiging kaibigan ni Keyla. Nga pala, baka lagi na tayo magkikita. Dito na rin kasi ako mag-aaral eh. Schoolmates ba kayo?”
Ouch. Ito yata yung kinakatakot ko. While back to zero ako eh saka naman may didikit na iba sa kanya. Pano na ko?
“ah hindi kami schoolmates ngayong college pero schoolmates kami nung elementary at high school. So what’s the cause of sudden transfer?”
“ahm... kasi...” he clapped his hands at dahil dun, naagaw nya ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng kwarto. “from this day, I formally announce na manliligaw ako kay Miss Keyla Sharey Ramirez.”
Talo ka na Gab. Di mo ba kita na close sila? Wala kang laban dyan oh, samantalang hamak na KAIBIGAN ka lang.
Pero bago pa tuluyang maubos ang fighting spirit ko, bigla nagsalita si Mika.
“Di pwede yan.... k-kasi... may promise sina Keyla at Gab sa isa’t isa bago sya umalis. Di ba Gab?”
Di ko na alam kung ano ang sasabihin. I should be thankful to Mika for saving me.
“Y-yes.... we promised... and I am always here for Keyla.”
Dama ang tensyon sa loob ng kwarto.
The world war III begins here. I won’t step back.
BINABASA MO ANG
My Sweet Nightmare~My Sweet Nuisance(COMPLETED)
Teen FictionI don't want to wait........ if you're not coming.... I don't want to dream..... if it won't be real.... I don't want to fall for you... coz I'm afraid that you won't fall for me too....... yeah.. I've been waiting... waiting for you to see me... wa...