Chapter 23 --> Gusto Kita

469 13 28
                                    

My Sweet Nightmare Chapter 23-

Conditioned reflexes...

 “Conditioned reflexes, yun bang parang pag dala mong bike mo at masasagasaan mong mga roses ni Lola Asyang, bigla mong ipipihit paganyan ang manibela. Hindi mo na pag-iisipan, basta ipipihit mo na lang. Pure reflex action.”

Naalala ko yung script na isinulat ko sa Dekada ‘70

Akala ko lang kasi matagal ko na naikondisyon ang isip at puso ko sa mga ganito

Gusto ko umiyak... matapos isigaw nung huling group member yung pangalan ni Gab ay ilang beses ako humiling na sana ay wag ipagkalat ni Izzy kung ano man yung nalaman nya...

Alam ko namang nagtataka silang lahat kung bakit “Gab” yung sagot sa tanong... wala ako ng nagawa eh

Hindi ko kayang magsinungaling...

Natapos na rin yung ibang group sa challenge na yun kaya rest time na...

at hayun... nakita ko si Izzy na papalapit kay Gab...

at inakbayan pa sya ni Gab...

ang sakit.. yung matapos malaman ni Izzy ang lahat lahat... tapos makikita mong kasama sya ng taong mahal mo...

mahal ko???

Napatigil ako sa paglalakad... kelan ko pa ba inamin sa sarili ko na mahal ko yung panget na yun?

Ewan...

Napasulyap ako dun sa gawi nung dalawa... parang ang saya-saya nya...

Ano bang pakialam ko???

Haizt...

Basta may parte sa puso ko na umiiyak... tama na siguro yun...

Sabi nga ni Mica, wag kong iyakan ang mga bagay na wala naman akong magagawa

Ilang beses ko na din ba sinabi sa sarili ko na hindi ako masasaktan???

Pero bakit ganun???

Masakit pa rin...

Kinuha ko yung cellphone ko...

[video player-> crazy little thing called love]

Kahit yata habambuhay ko to panoorin eh habambuhay pa rin ako makakarelate

“Nam bakit ganun??? Pareho tayo ng kalagayan??? Ganyan din ako dati... ugly duckling... pero nag-ayos din naman ako ng sarili ko ah... nag-aral din ako ng mabuti...  pero ikaw... minahal ka ni Shone... ako, ayun... wala pa rin...”

Tahimik lang ako na naupo dun sa paanan ng isang puno...

[9 recipes of love]

“eh nagawa ko na lahat yan eh.. gabi-gabi na nga akong nagsusulat ng A.G.L. sa stars pero bakit wala pa ring effect huh?” huh?

My Sweet Nightmare~My Sweet Nuisance(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon