My Sweet Nuisance Chapter 8

296 5 4
                                    

MSN 2 Chap 8

[medyo papabilisin ko na po yung time dito sa MSN.. ira-wrap up ko na kasi sya eh..]

“Hoy Keyla di ka pa ba tapos dyan ha?” sabi ko kay Keyla habang naggagawa sya ng resolution... medyo late na kasi at kelangan na namin umuwi.

“ay teka lang Mika, matatapos na naman to.. saglit na lang... hereby finally resolved this blah blah blah.. hayan tapos na! Hihi.. tara uwi na tayo...”

“haha.. adik mong babae ka.. di ka ba napapagod? Thesis, publication, at pag-aaral..”

“di noh... dati pa naman eh, sabi ko nga, pag gusto mo ang ginagawa mo, di ka mapapagod dun...”

“parang pagmamahal, pag mahal mo yung isang tao, di ka pa rin mapapagod mahalin sya kahit na di ka nya maalala...”

“huh?”

“wala naman... nalulungkot lang kasi ako, sa lahat ng di mo maalala, si Gab pa..”

Napatigil sya sa pagsasara ng office dahil sa sinabi ko. Minsan talaga may mga pagkakataong napapatigil sya. Para kasing gusto nya maalala lahat ng nangyari pero minsan nagiging dahilan lang yun ng pagsakit ng ulo nya. Sabi naman ng doktor eh normal lang daw yun. Pero pag tinatanong ko si Keyla kung may naaalala sya eh wala naman daw.

“di ko alam pero parang ayaw ko na maalala lahat...” napabuntung-hininga pa sya sa sinabi nya.

“bakit naman?”

“di ko alam, pakiramdam ko kasi nasaktan ako dati sa kanya.. tapos ayaw ko na masaktan ulit..”

“naniniwala ka bang mapanlinlang ang pakiramdam?”

“hmm... oo, minsan.. pero mas madalas, mas mapanlinlang yung nakikita natin...”

“oh eh anong nakita mo na tingin mo eh nalilinlang ka?”

Parang ako yung tinamaan dun sa tanong ni Keyla. Nung unang araw ng pasukan, nakita ko sina Gab at Hyacinth na magkasama. Malanding babae yun. Alam nya namang si Keyla ang gusto ni Gab pero wagas lang makalinta. Si Gab naman di marunong makaramdam. BRR! Magsama sila. Pero dahil sa tanong ni Keyla, napaisip ako na baka naman magkaibigan lang talaga sila. Pero hindi eh. Kaw ba naman makitang sweet-sweetan yung dalawa eh, papaloko ka pa ba sa nakita mo?”

“ahm, siguro naman may dahilan lang...”

“anong ibig mong sabihin?”

“ah wala naman.. ibig ko lang sabihin, lahat ng bagay ay may dahilan.. baka naman yung nakikita at nararamdaman natin ay di madalas tama... may kanya-kanyang dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay...”

At may dahilan ako kung bakit gagawin ko ang isang bagay.

**

Sabado. May usapan kami ni Keyla na pupunta sa Lolipop para makapagpractice sya ng painting. Aysus. Wala akong talent sa painting noh. Kaya naman may PINK na plano na nabuo sa isipan ko.

“Keyla! Papunta na ko ha? San ka na?”

“nah! Malapit na po... hintayin kita ron...”

“sige... sige... basta wag mo kakalimutan bumili ng meryenda ha?”

“oo na.. takaw neto.. haha... sige babye Mikay!”

End call.

Teka, kung tatanungin nyo ako kung nasan ako ngayon, di naman talaga ako papunta ng Lolipop eh. Paluwas ako ngayon para asikasuhin yung ilang papers sa Student Republic. Ako na kasi ang President dun. Ewan ko ba. Wala akong alam sa pamamalakad ng isang organization pero gorabels pa rin ang drama ng lola nyo.

[meron di pong story si Mika and Brionne.. 100 DAYS TO HIS HEART ANG TITLE. COMPLETE NA PO SYA]

So ano nga bang plano ko?

Share ko sa inyo pero secret muna natin to ha? Papaluin ang salbaheng magkakalat. Ihuhulog ko sya sa balong malalim na pinagtataguan ni SADAKO.

**

Pumasok ako sa faculty room para ilagay yung mga pinasang FS books namin dun sa table ni Mam Jaja. At sakto nakita ko si Gab na nakikipagngitian dun sa malanding si Hyacinth. Bwisit ka Gab. Pag ako napikon, ilalayo ko sayo si Keyla at tutulunagn ko pa si Dwayne.

Sila lang naman ang tao sa faculty room so it means na tatlo lang kami. Ay mali, dalawa lang kami kasi halimaw yung isa dito sa loob.

>__________________<

Lumapit ako kay Gab at iniabot yung isang letter. Nah, ang baduy ko. Eh so what, andun yung malanding bruha eh.

So hayun. Yon ang plano. Ang magkita silang dalawa sa Lolipop. At pag di sumipot si Gab, patay sya saken.

**

6pm na. Wala pa ring text si Keyla ah. Baka nga nagkaintindihan na yung dalawa.

Habang hawak ko yung cellphone ko, di ko naiwasang mapangiti. I love Keyla. She is more than a bestfriend. Para ko na din syang tunay na kapatid.

Pero few minutes later...

Keyla calling.

“Mika... san ka? Di ka ba pupunta?”

Mahina nyang sabi. Hala. Para syang maysakit ah.

“Key, ok ka lang? Di ba pumunta si Gab?”

“huh? Bakit naman pupunta yun dito?”

Hindi pumunta si Gab.

Sorry Gab. It’s over.

My Sweet Nightmare~My Sweet Nuisance(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon