Chapter 1 Missing You

8K 161 9
                                    

Jovanne POV..

Hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng mga paa ko,huli na ng ma realize ko dahil nandito na ako nakatayo sa harap ng pintuan ng isang clinic.Natampal ko ang aking noo dahil bigla kong naalala na naka school uniform pa pala ako,navy blue na skirt,white blouse with maroon necktie at black doll shoes.

Hahakbang na sana ako paatras kaya lang sinalubong na ako habang kakawag kawag ang buntot ni Potchie ang super cute na Pomeranian na kulay brown.

"Hi potchie." Bati ko rito sabay yuko para maabot ko sya at hinimas himas ang kanyang balahibo.

"ARF ARF." Tugon naman nito na pa bang tuwang tuwa ng makita ako.

"Namiss mo ako.Namiss din kita." Parang nagkakaintindihan naman kaming dalawa.Lalo na yung amo mo namimiss ko na.Wika ng isip ko.

"Heay potchie,what are you-
Bigla akong napalingon sa nagsalita at hindi ko malaman pero biglang kumabog ang dibdib ko." Oh Jovanne,ikaw pala yan."Nakangiti nitong wika lalo yatang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko sya."Halika pasok ka."Hindi parin ako kumikibo,nakatingin lang ako sa kanyang mukha,samantalang si potchie ay wala na pala sa ating harapan.

Ang ngiti sa kanyang labi ay biglang nabago ang ekspresyon,napakunot noo ito at tumingin sa mga kalalakihang dumaan."Mga manyak"mahina nitong turan.

Oh my gosh, late ko na narealize iyong ayos ko,nakayuko parin pala ako at tumaas ang skirt ko sa bandang likod.Nanlaki ang mga mata ko at mabilis pa sa alas kwarto na umayos ako ng tayo at bahagyang ibinaba ang laylayan ng skirt ko na taas lang ng tuhod.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga."Halika pasok ka."Aya nito na parang walang nangyari.Papasok ba ako?Ang dahilan lang naman ng pagpunta ko dito ay para makita ko sya.At nakita ko na sya kaya okay na.Pero parang may sariling isip ang aking mga paa at sumunod ako sa kanya papasok sa loob ng kanyang clinic,hanggang sa loob ng kanyang opisina.

She's a doctor,doctor of animals.Bukod sa pagiging veterinarian,karugtong din ng clinic ang kanyang petshop.Kompleto mula sa accessories,mga pagkain at iba pang pangangailangan ng nga alaga nating hayop especially sa aso at pusa.May lima din siyang tauhan,tatlong lalaki at dalawang babae.Yung isang babae parang secretary nito.

Umupo ako sa mahabang couch,sya naman ay dumiritso sa kanyang table at umupo sa swivel chair.At humarap sa akin.

"So what brought you here?" Malumanay nitong wika,na kinatayo ng balahibo ko.Mag isip ka ng magandang sagot Jovanne wika ng isip ko.Napalunok ako ng laway,tatlong beses.

"Ah.s-si ate makikisabay sana akong uuwi." Mahina kong sabi,bakit ba ako kinakabahan.Yan tuloy nagkanda utal ako.

"Hndi ka ba nag message sakanya?" Ang soft talaga ng boses nya.

"Hindi pa sya nag reply,kaya pumunta na ako dito." Tugon ko.To too naman nagtext ako kay ate ko pero wala pa syang reply. Tinanong ko lang kung asan sya.

"What do you want to eat?" Turan nito

"Ikaw.." Tinaasan nya ako ng kilay sa sinabi ko.

"I-i mean ikaw bahala,kahit ano.Huwag na pala busog pa ako." Sunod sunod kong sabi.Narinig kong napatawa ito ng mahina,sabay tayo at tinungo ang personal fridge sa bandang sulok.Binuksan at may kinukuha sa loob,pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw nito.Simple lang ang kanyang suot,polo shirt na kulay sky blue,skinny jeans at three inches black heels. Hanggang balikat ang buhok niyang medyo brownish halatang alaga sa salon.

Humarap na ito sa akin at may hawak na dalawang incan soda.

"Here." Wika nito,inabot sa akin ang isa,napatitig naman ako sa kanyang mukha sabay kuha ng soda.

"Thank you." Mahina kong sabi,bumalik na ito sa kanyang upuan si potchie naman ay tumabi sa akin sa couch.

"Kamusta ang pag aaral?"wika nito.
Nakakahiya talaga wala man lang akong maibukas na topic laging sya nalang.Two years course lang ang kinuha ko.HRM.Hindi naman kasi kami mayaman,sakto lang.Si papa kasi may bago nang pamilya at dalawang anak na lalaki.Hindi naman kami tumutol ni ate,kasi matagal naman nang wala si mama bata palang kami noong pumanaw sya.

" Last year ko na,malapit na ang OJT ko."matipid kong tugon,sabay inum ng soda.

"So balak mo bang magtayo ng sarili mong restobar?"

Napangiti lang ako sa tinanong nya,baka sakali pag nagkapuhunan na.

Best friend ng ate ko itong si Raffie since college nila,actually tatlo silang magbebestfriend sila nila kuya Alvin.At unang kita ko palang kay Raffie noon crush ko na sya.Na confused na ako sa sarili ko bakit ako nag kakacrush saknya eh babae din naman sya.Sa kanya lang ako humahanga ng ganito,ewan ko ba high school palang ako that time.Akala ko mawawala din iyong paghanga ko sa kanya,pero habang tumatagal lalo yatang lumalalim itong nararamdaman ko.

Hanga din ako sa kanya,dahil matured ito mag isip.After maka graduate ng college nagpatayo kaagad ng business, samantalang si ate ko lagi nagreresign parang ngayon wala na naman itong work.Mabilis magsawa sa trabaho at si kuya Alvin naman nag aaral parin hanggang ngayon.Papalit palit ng course hayy!kaya ako pagka graduate,gusto ko makapagtrabaho agad.Napabuntong hininga tuloy ako.


"Lalim naman nyan." Puna ni Raffie, cute ng nickname nya.Racquel Faye kasi ang full name nito."Gusto mong manood?"alok ulit nito ano ba yan nagpapabisita naman ako masyado.May nadikit kasi sa wall na 32 inches flat screen na television.

Napailing na lang ako,napatingin din ako sa wall clock 5pm na pala ng hapon.Malamang naka out na ang mga tauhan nito.

"Actually nandito ang ate mo kanina,sabi nya may pupuntahan lang daw sya saglit.Pabalik na siguro yun."
Napansin nya siguro ang pagsipat ko sa orasan.

Aalis nalang yata ako,baka nakakaabala na ako sa kanya baka magsasara na ito ng shop.Magpapaalam na sana ako ng biglang may sumulpot-

"Hi best." Ang ate ko,dinaanan lang ako at dumiritso kay Raffie at nagbeso,pero hindi sya nag iisa kasunod nito si kuya Alvin at sya naman ang lumapit kay Raffie.

"Hi babe." Narinig kong wika nito,nakatingin lang ako ng halikan nya si Raffie sa labi.Smack lang naman iyon,pero kahit na eh hello!may ibang tao kaya,bigla tuloy akong napayuko.Biglang parang sumikip ang dibdib ko sa aking nakita.So sila pala akala ko ba best friends silang tatlo,dapat pala hindi nalang ako nagpunta dito.Sakit naman.

"Jovanne?" Bigla akong napaangat ng mukha,si ate nakakunot noo at nakatingin sa akin.

"She's waiting for you Jenny,sabay daw kayong uuwi."Si Raffie ang nagsalita,si Alvin nakatayo sa tabi nya.Lalo akong tinaasan ng kilay ni ate.Galit ba sya?bakit naman?

" Mag aayos lang ako ng gamit magsasara na rin ako."

"Tulungan na kita babe."

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.Nagsimula ng mag ayos ng gamit si Raffie at kuya Alvin.

"Jovanne halika na sa labas." Seryosong wika ni ate Jenny at nauna na itong naglakad,sumunod agad ako.Umupo si ate sa mahabang bench sa waiting area,dito ang upuan ng mga clients umupo din ako sa tabi nito.

"Anong ginagawa mo dto?" Naiirita nitong sabi."Dapat nauna ka nang umuwi."Sabay irap sungit naman nito.

"May lakad ka pa ba?" Turan ko nalang,ayokong patulan ang ate ko.

"Shoo uwi ka na nga." Pagtataboy nito sabay mosyon pa ng kanang kamay nito.Malapit lang naman ang bahay namin mula rito isang sakayan lang ng jeep.Ang sweet talaga ng ate ko parang laging may dalaw,magpapaalam lang ako kay Raffie uwi na nga ako de bale nakita ko naman sya.Masaya na ako,napangiti ako pero bigla ring naglaho ng maalala ko ang eksena kanina.At naalala na may boyfriend na pala sya.

------Raffie po on media..
Si Liza Soberano..sana po may magbasa ng story ko.thank you...

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon