Kinabukasan ay maaga akong ginising ni yaya dahil malayo layo pa daw ang school na pupuntahan namin.
Matapos kong kumain ng breakfast ay nagtoothbrush na ako at naligo. Naligo rin si yaya dahil sya daw ang maghahatid sa akin, si mommy naman ay maaga daw umalis para sa business nya, see? Halos hindi na kami magkita sa bahay dahil sa trabaho nya.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako, pinakuha ni yaya sa driver ang mga gamit ko sa kwarto ko.
Nang makita ni yaya na ready na ang lahat ay napagpasyahan na naming sumakay sa van na sinakyan namin kahapon.
Habang nagbibiyahe ay biglang nagsalita si yaya.
"Sabi ng mommy mo ay sasamahan daw tayo ng secretary nya hanggang sa makapasok ka sa loob ng bago mong school."
"Nandoon na po ba sa school yung secretary nya??" Tanong ko.
Tumango ako bilang sagot.
Matapos ang isa't kalahating oras ay bumibiyahe parin kami, napatingin ako sa bintana, halos wala ng mga bahay ang dinadaanan namin sa mga oras na ito, tama ba yung direksyon namin?
Hindi ko na lang pinansin ito at pumikit nalang ako.
"Zin." narinig ko ang boses ni daddy na tinatawag "Zin" muli nitong sambit. Luminga linga ako sa paligid. Pinakinggan ko kung saan nagmumula ang boses na yon. "Zin huwag kang tutuloy" "dad? Dad nasaan ka?" "Daaaad!" Pagtalikod ko ay nakita ko si daddy na nakatayo at nakatingin sa akin "dad" sambit ko "Zin huwag kang tutuloy" "dad what are you talking about?" Hindi sya nagsalita "dad?" Naiiyak na tawag ko sa kanya "mag iingat ka Zin" muli nyang sambit at naglakad palayo sa akin "dad i miss you" tuluyan ng pumatak ang aking mga luha "where are you going dad" sabi ko habang sinusundan sya, pero hindi na sya nagsalita at unti unting nawawala sa paningin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/170296505-288-k655578.jpg)
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mystery / ThrillerLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...