Zin's PoV
Walang gustong tumayo mula sa kinauupuan naming lahat dahil sa takot na baka isang grupo ng mga estudyante ang tumambad saamin.Hinayaan lang namin na may kumatok.
Lord, kayo napong bahala sa mga kaybigan ko.Kung ito na po yung huling sandali ng buhay ko, nagpapasalamat po ako sa inyo dahil kasama ko silang lahat.
May kumatok ulit ng dalawang beses.
Walang nagsasalita sa amin.Pinakikinggan lang namin kung ano man yung nasa labas ng kubong ito.
Bumibilis ang tibok ng puso sa bawat katok na naririnig ko.Tanggap ko na kung ano ang magiging kapalaran ko.Handa na ako.
"Son?Are you there?" Biglang may nagsalita mula labas.
Biglang tumayo si Nathan.Napatingin kaming lahat sa kanya.
Nakangiti sya sa amin.
"Dad?" Sabi ni Nathan
Pumunta sya sa may pintuan.
Dahan dahan nyang binuksan ang pinto
Dahan dahan
Pagbukas nito ay bumugad sa amin ang isang lalaking puro itim ang suot at napapalibutan ng mga nakaitim din ang suot.
Napaiyak ako sa nakita ko.Si tito Nicko, daddy ni Nathan, kaybigan ng daddy ko.
Hindi ako makapaniwala na nandito sya ngayon para iligtas kami.
Tumakbo ako papunta kay tito habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit
"Thank you tito" sabi ko sa kanya habang nakayakap.
Umalis na ako sa pagkakayakap at nginitian siya.Ngumiti rin ito pabalik.
"You've made it dad" sabat ni Nathan.
"Off course son.Pero wag muna tayong magpakabahala, dahil hindi pa ito tapos, kasalukuyan pang nakikipaglaban ang mga kasama ko sa mga tauhan ng may ari ng paaralang ito" sabi ni tito
"What?Paano nyo pala kami nahanap dito?" Tanong ni Nathan.
"Thats not important to talk about right now.Umalis na tayo dito bilisan nyo" sabi ni tito.
Para namang nagising sa katotohanan sina Jane, Adrian, Joshua at Luke dahil agad silang tumayo mula sa kinauupuan nila.
Lumabas na kaming lahat sa kubo at magsisimula na sanang tumakbo pero.....
"Saan kayo pupunta?" biglang may nagsalita mula sa di kalayuan
Napahinto kaming lahat at hinanap kung nasaan yung nagsalita.
Mula sa madilim ay may unti unting nabubuong imahe ng isang tao ang papalapit sa amin
Unti unti ay naaaninag ko na yung mukha nya.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mystery / ThrillerLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...