Epilogue

6.1K 318 55
                                    

Nathan's Dad PoV (tito Nicko)

6 months later

Hawak hawak ko ang litrato nya

"Sana masaya ka jan sa heaven. Ang tagal mo ng wala dito sa tabi namin. Sana lagi mo kaming bantayan saan man kami magpunta. Maraming salamat sa pagsasakripisyo para mailigtas ang mga students sa SSU. Ngayon ay maliwanag na ang SSU dahil na solve na yung kaso doon, ginawa na nilang open yun para sa lahat ng mga mag aaral, nakulong na rin sina Secretary Dy at si Miss A ang namamahala sa SSU. Miss na miss ka ng anak mong si Zin at ng asawa mo. Hindi ka namin makakalimutan Zack Meze"

"Dad tara na. Magsisimula na yung graduation oh" tawag sa akin ng anak kong si Nathan.

Ngayon kase ang graduation ng mga kaybigan nya na sina Joshua at Jane they are grade 12 students, ga-graduate sila sa Sacred School University.






Zin's PoV

6 months narin ang nakakalipas simula nung nakulong sina Secretary Dy at Miss A. Ngayong araw ay graduation nina Jane at Joshua. Nandito kami ngayon sa stage at nakaupo sa mga bleachers. Kasama ko sina Luke, Adrian, Nathan, Keysie, tito Nicko, Mommy at yaya Letty.

Hanggang ngayon ay naaawa parin ako kay Secretary Dy. Sinira nya ang buhay nya dahil lang sa paghihiganti at pagka inggit




Throwback




May pumutok na baril, si tito Nicko ang may kagagawan non, binaril nya si Secretary Dy sa binti habang hawak hawak ako, agad akong tumakbo papunta sa mga kasama ko nung oras na napaluhod si Secretary Dy dahil sa sakit ng binti nya.

Agad na lumapit ang mga kasama ni tito Nicko na huli ko ng nalaman na mga pulis pala sila. Agad nilang kinuha yung baril at pinosasan si Secretary Dy.

Niyakap ko agad si Jane nung makalapit ako sa kanila

"Hindi pa ako tapos sayo Zin!" Sigaw ni Secretary Dy.

Dinala nila papuntang campus si Secretary Dy at nakasunod lang kami sa kanila.

Pagdating namin sa campus ay nakita ko si Miss A at ang iba pa nilang mga tauhan na nakaposas din.

Ang dami palang kasama ni Tito Nicko, hindi nako magtataka kung agad nilang naaresto sina miss A.

Nakita ko rin ang mga kapwa estudyante ko na masaya, siguro dahil alam nilang makakalaya na sila mula sa impyernong paaralang ito.

Napangiti nalang ako sa kanila.

Sa pagtitingin tingin ko ay nakita ko si Keysie na umiiyak.

Nilapitan ko sya

"Wag kang mag alala, magiging okay rin ang lahat" sabi ko sa kanya.

Nagulat sya ng makita ako tsaka nya ako niyakap

"Sorry Zin" sabi nya habang umiiyak.

Niyakap ko sya pabalik. Wala na sakin yung ginawa nya dati saken, ang mahalaga ay okay na kami.

"Tahan na" sabi ko sa kanya.

Sacred School University (School Of Demons)Where stories live. Discover now