Third Person's PoV
Habang unti unti ng pumipikit ang mga mata ni Zin ay may biglang nagbubukas ng door knob. Pinilit ni Zin na tumayo pero hindi nya na kaya hanggang sa tuluyan na syang nawalan ng malay dahil sa sobrang kulob ng kwartong kanyang pinasukan.
Maya maya ay tumumba ang pintuan ng library kung nasaan si Zin at bumungad ang isang estudyanteng lalaking may katangkaran at kulay itim ang buhok.
Pinuntahan nya agad si Zin ng makita nya itong walang malay. Binuhat nya ito at dinala sa isang kwarto.
Walang kamalay malay si Zin na may isang mabuting puso na tutulong sa kanya sa paaralang tulad ng sacred school university.
Joshua's PoV
Kasalukuyan kaming nagkaklase ng biglang sumulpot si Luke sa harapan ko at bigla nya akong hinila.
"Teka bro, san tayo pupunta?" Tanong habang hila hila nya ako.
"Basta sumunod ka nalang" utos nya.
Ano kita? Boss? Saan ba ako dadalhin neto? Anong meron?
Mabilis ang lakad namin ni Luke na para bang may hinahabol kami na kung ano.
Nang mapagtanto ko kung saan kami pupunta ay tinanong ko sya.
"Bakit papunta ata tayo sa dorm naten?" Tanong ko.
Hindi sya sumagot, tuloy tuloy parin ang lakad nya habang hila hila nya ko.
"Broooo! Anong gagawin natin jan?" Tanong ko ulit.
"Pwedeng tumahimik ka na lang at maglakad? Ang ingay mo masyado eh" sabi nya.
Kahit kelan talaga ang sungit ng lalaking to. Daig pa ang mga babae.
Ng makarating kami sa boys dormitory ay dinala nya ako sa kwarto nya. Anong gagawin namin dito?
Teka, bakla naba tong bestfriend ko?At balak nya akong gahasain?
"Hoy Luke? Anong gagawin natin jan sa kwarto mo? Natatakot nako sayo ah." Sabi ko sa kanya.
"Wag ka ngang engot jan! Hindi kita papatulan kung magiging bakla man ako" sagot nya.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Gizem / GerilimLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...