Hinatid ako ni Jane sa magiging classroom ko, sa third floor ang room ko. Grade 12 na si Jane kaya hindi ko sya kaklase.
Halos late na nung nakapasok ako
Pagpasok ko ay nakatingin lahat sa akin ang mga estudyante sa kwartong ito. Pinapunta ako sa harapan ng lecturer, nakita ko na may nakasulat sa suot nya "Mr.Falcon"
"Please introduce yourself " sabi nya.
Nanginginig ako dahil sa titig ng mga estudyante sa akin .
Naalala ko ang mga ikinuwento ni Jane, totoo bang pumapatay ng kapwa estudyante ang mga ito? Mukha silang mga inosente para gawin iyon.
Huwag kang mag base sa mukha Zin. Hindi lahat ng mukhang inosente ay inosente talaga."Good morning, my name is Zin Serrah Meze, im from Mint Academy, school in Pampanga, kailangan kong lumipat ng school because of my mom's business" pilit ang ngiting pagpapakilala ko.
Walang naging reaksiyon ang mga estudyante dito at nakatingin lang sa akin.
"Please take your sit miss Zin" sabi ng lecturer at nagpatuloy sa pag didiscuss.
Nakahanap ako ng bakanteng upuan sa bandang likuran at nabigla ako ng makita si Luke Austine, katabi sya ng nag iisang bakanteng upuan, gaaaawd. Bat sya nandito?Are you crazy Zin? Of course dito sya nag aaral kaya sya nandito. But? ABM din sya?Wheres Joshua?
Bakit ko ba sya hinahanap, gawd!Umupo ako.
Hindi man lang nya ako nilingon, seryoso parin syang nakaharap sa board.
Hindi ko na sya pinansin tsaka na lang ako nakinig sa lecturer.
Base sa mga dini discuss nya, isa syang math teacher.
Pagkatapos ng tatlong teacher na pumasok sa room at nagdiscuss ay Lunch break na. Mr. Falcon math teacher, Mrs. Guzman English Teacher, Mrs. Turla Science teacher.
Bumaba ako mula sa third floor, nakita ko si Jane sa 2nd floor at mukhang hinihintay ako.
"Jane!" tawag ko sa kanya.
"Tara??" Ya ya nya
Tumango ako, naglakad kami papuntang cafeteria.
Sa paglalakad namin ay makakasalubong namin ang dalawang tagapagpasya.
Nakatingin sa direksyon namin ang dalawa at nang malapit na kami sa isa't isa ay huminto at nagsalita si Joshua Zaffrey.
"Oh. We meet again miss transferee" nakangising sabi nya.
Huminto din ako at tinignan lang sya,
Hinila ako ni Jane at mabilis kaming naglakad, nang makalayo kami sa kanila ay nagsalita si Jane.
"We meet again? What is he talking about Zin?" Nagtatakang tanong nito.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mistério / SuspenseLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...