Chapter 19

4.8K 251 10
                                    

Pagbukas ng ilaw ay nakita ko kung sino ang lalaking humila sa akin.

Agad akong umalis sa pagkakapatong ko sa kanya.

Pagtingin ko sa harap ko ay nakita ko si Joshua malapit sa akin at mukhang nabigla sa nakita.

Nakatingin din sa akin ang mga estudyanteng nandito.

Gaaaawd! Bat ganyan silang makatingin. Akala ata nila ako yung humalik sa Demonyong Luke nato. Yaaaak! Never! Sya kaya tong humila saken tsk!

Tumingin ako ng masama kay Luke na kasalukuyang naka upo na ngayon at nakatingin din sa akin.

Tinignan ko sya ng nakakamatay na tingin tsaka ako umalis. Nilagpasan ko lang si Joshua.

Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyanteng nadaraanan ko.

"Si Luke pa talaga yung hinalikan nya haha"

"Taas ng pangarap ah"

"Feeling nya maganda sya iw"

Damn this stupid students. Hindi ako yung humalik sa kanya! Sya yung humalik sakin!

"Zin san ka pupunta?" Tanong ni Jane nung nadaanan ko sya.

Hindi ako sumagot at binilisan ko yung lakad ko, hindi namn naging sagabal ang mga heels na suot ko dahil ang gusto ko lang ngayon ay ang makaalis sa lugar na ito.

Nung nakalabas nako sa building ay pumunta ako sa CR. Grabe ang dilim naman, nakakatakot huhu.

Kahit madilim ay pinilit kong pumunta muna sa CR bago ako pumunta ng dorm. Hindi nako babalik sa party na yon.Sirang sira na yung gabi ko tsk!

Pagdating ko sa CR ay naghilamos ako ng mukha, wala akong pake kung masira yung make up ko.

Nakakainis yung Luke na yon.

"Bwst na Luke, tsk!" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Maya maya ay lumabas nako.

Naglakad ako.

Nasa campus nako ng school ng may bilgang humila sa akin.

Tinakpan nya yung bibig ko tsaka dinala sa isang classroom.

Pagdating namin sa isang classroom ay pinilit kong tanggalin yung kamay nya, kusa rin nya itong tinanggal.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya.

"Shhhh" suway nya sa kin.

Maya maya ay may narinig akong naglalakad sa labas.

Nung medyo malayo na yung yapak na naririnig ko ay nagsalita si Luke

"Are you crazy?! Alam mo bang delikado pag gabi dito? Stupid!" Galit pero mahina nyang sabi.

Sacred School University (School Of Demons)Where stories live. Discover now