Jane's PoV
"Zin san ka pupunta?" Tanong ko sa mukhang badtrip na si Zin.
Hindi ko alam kung pano nangyari yung nagkiss silang dalawa ni Luke, basta nabigla nalang ako sa nakita ko kanina, eh ang layo nila sa isa' isa kanina. Ang nakita kong papalapit kay Zin kanina ay si Joshua.
Haaaaayst. Kawawa naman yung bessy ko, tingin ng mga students sa kanya ngayon ay desperada, akala nila si Zin yung humalik kay Luke, ni hindi nga lumayo si Zin sa pwesto nya eh.
Maya maya ay nakita kong lumabas si Luke, hindi ko alam kung saan sya pupunta.
Bat nya ba kasi ginawa yon? May gusto ba sya sa Bessy ko? Mukhang wala naman, ang cold cold nya kaya sa mga tao, pano sya magkakagusto ka Zin? Halos wala na nga syang kausapin sa school nato bukod kay Joshua eh.
Saan naman pumunta yung babaeng yon? Siguro mag C-CR lang yon. Hintayin ko nalang syang bumalik.
Mula sa rock na tugtugan ay napalitan ang music ng romantic.
🎵Kahit, ikaw ay magalit, sayo lang lalapit, sayo lang aawit.
Kahit na, ikaw ay magbago na, iibigin parin kita, kahit ayaw mo na.🎵
Eto na yon, yung gusto mong yayaing sumayaw pwede mong yayain, she or he can't say No haha, dahil patakaran yon dito.
Tatakbo, tatalon, isisigaw ang pangalan mo.
Hinanap agad ng mata ko si Joshua. Nakita ko syang naka upo sa table namen, shiiiiiiiit ang gwapo nya talaga, hindi ko inakalang magiging kaybigan ko yung mga tagapagpasya, salamat kay Zin haha. Pero hindi ko masisisi yung sarili ko na nagalit ako sakanila, mali kase yung pagpapasyang ginawa nila sa kaybigan ko dati eh.
Mukhang badtrip sya ah, ano kayang nangyari dito?
"Tara sayaw tayo, ang ganda ng music oh" pagpapalusot, gusto ko lang talaga syang makasayaw hahaha.
"Lets go" cold na sagot nya.
So ayun, pumunta kami sa dance floor, marami naring mga ibang students na nagsasayaw, sayang at wala si Zin dito, siguradong maraming lalaki ang magyayaya sa kanya, sa ganda ba naman nya hahaha.
🎵O bakit ba kaylangan pang umalis, pakiusap lang na huwag ka ng lumihis,
Tayo'y mag usap teka lang ika'y huminto🎵Habang sumasayaw kami ay napansin kong wala sya sa mood
"What happen?" tanong ko.
"Nothing, may iniisip lang ako" tsaka sya ngumiti ng pilit.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Misterio / SuspensoLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...