Zin's PoV
Kasalukuyan silang nagkukwentuhan pero ako tahimik lang.
Wala akong ganang makipagtawanan sa kanila dahil naniniwala ako na ang pansamantalang kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan.
Ayokong maging masaya sa mga oras na ito dahil alam kong bilang nalang ang oras na meron ako.Matutunton at matutunton din nila kung nasaan ako dahil pag hindi nila ako nahanap, lahat sila madadamay.
Tinignan ko si Luke, nakikinig lang sya tulad ko sa mga kaybigan namin.Mahal ko talaga sya.
Tinignan ko si Jane, kahit kelan talaga masiyahin ang bessy ko.Sana ako rin ganyan.
Tinignan ko si Joshua, masaya rin syang nakikipagkwentuhan, sana ay hindi nya saktan ang bessy ko.
Tinignan ko si Adrian, ang lalaking nagligtas saakin mula sa library.Masaya silang lahat maliban sa akin.
Hinanap ng mga mata ko si Nathan.Nasaan na sya?
"Nasaan na si Nathan?" Biglang singit ko sa kwentuhan nila.
"Sabi nya kanina mag c-cr sya" sagot ni Adrian.
"Kanina pa yon ah.Bakit wala pa sya?" Tanong ko.Bigla akong kinabahan sa nangyayari.Nasaan na yon?
"Tara hanapin naten.Zin dito ka lang.Luke dito ka lang din samahan mo si Zin.Kami na ang maghahanap kay Nathan" sabi ni Joshua.
Tumango lang ako.
Umalis na sila at naiwan kami ni Luke dito sa may kubo.
"Tara pumasok na tayo, we'll just wait inside" sabi ni Luke.
Pumasok na kami sa kubo.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin at may kaluskos akong narinig mula sa labas.Hindi ko alam kung narinig din ni Luke yon.
"Narinig mo ba yon?" Tanong ko sa kanya
"Ang alin?" Tanong nya.
Imagination ko lang ba yon?
"Yung inga-"
"Shhhhh" pagpuputol nya ng sasabihin ko.
Tumahimik kami at nakinig mula sa labas.
Maya maya ay may narinig kaming yabag ng mga paa, naglalakad sa masukal na lupa.
"Zin dito ka lang, titignan ko kung anong meron sa labas" paalam ni Luke.
"Wag mo kong iwan dito Lucas" pakiusap ko.Tsaka ko hinawakan yung kamay nya
Paano kung alam na nilang nandito kame?"Babalik ako, promise.Dito ka lang" sabi nya.Tsaka nya binitawan yung kamay ko.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mystery / ThrillerLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...