Jane's PoV
Hi guys!Im Jane Castro, best friend ni Zin.
Nandito kami ngayon ni Joshua sa Cafeteria at hinihintay sina Zin.
Speaking of Joshua.Ang gwapo nya guys.At maganda syang kasama.Unti unti na ngang nahuhulog yung loob ko sa kanya eh.Sana lang hindi nya ko mahalata at baka umiwas lang sya.
Pag kase papasok na sa classroom kaming dalawa lagi yung magkasama eh.Dahil yung apat magkakaklase sila.So ayun dahil parehas kaming madaldal ni Joshua, hindi kami na bobored sa isat isa.Guys.Tingin nyo ba may pag asang magustuhan nya ko?Ayokong malaman baka masaktan lang ako huhu.
"Jane.Gaano kana katagal sa school na to
?" Tanong nya.Nakakabigla sya haha bigla bigla nalang nagsasalita."4 years na rin akong nandito.Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.
"6 years na, tagal na rin no?" Sabi nya
"Oo nga.Buti nakapagtagal ka sa impyernong to" sabi ko
"Buti nga hanggang ngayon buhay pa tayo eh.Maswerte tayo dahil sa mga nagdaang taon hanggang ngayon buhay parin tayo" sabi nya.Oo nga naman.Maswerte parin kami.
"Oo nga no." Sagot ko tapos bigla kong nakitang paparating sila Zin
"Ayan na pala sila eh" dagdag ko.
"Hi guys!" Masiglang bati ko sa kanila.
"Hello" bati ni Adrian
Napansin kong wala si Nathan
"Oh, nasaan si Nathan?" Tanong ko
"Pumunta lang saglit sa dorm" sagot ni Adrian.
Umupo na si Zin at wow ah.Tumabi si Luke kay Zin haha.Anong meron?
Zin's PoV
Nabigla ako ng umupo si Luke sa tabi ko.Ano ba yan, baka kung anong pumasok sa isipan ng mga kasama namin eh.
Habang hinihintay si Nathan ay nagkwentuhan muna sila.
"Guys sa tingin nyo kelan ulit mangyayari yung pagpapasya?" Tanong ni Jane.Bakit ba yan yung topic tssss.
"Sa tingin ko malapit na yon.Yung last na pagpapasya ay nung last year pa at January yon.October na ngayon.Malapit na based on my calculation" sabi ni Joshua.October na pala.Ang bilis ng panahon.So it means na malapit na yung birthday ko.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mystery / ThrillerLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...