Pumunta ako sa cafeteria at umorder ng malamig na malamig na softdrinks para mawala ang inis ko sa lalaking yon. Pumunta ako sa isang mesa at umupo.
Sa gitna nang pag iisip ko ay naalala ko yung tungkol sa napanaginipan ko kay dad. What is the meaning of that dream?? Did he mean, this school? Na mag iingat ako? Na sana hindi ko binalewala yung sinabi nyang huwag akong tutuloy.
Nagsisisi ako na hindi ko pinagtuunan ng pansin ang panaginip kong yon. Tuluyan na akong nabilanggo sa impyernong ito.
Sa gitna ng pag iisip ko ay may biglang umupo sa gilid ko, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag iisip.
"How are you?" Tanong ng isang boses ng lalaki
Pagtingin ko sa kanya, nabigla ako ng mapagtanto kung sino sya, ang laki ng ngisi nya sa akin na parang nakakaloko.
"Anong ginagawa mo dito!?" Iritableng tanong ko, bakit ba kasi sya nandito? Pag katapos nung kaybigan nya sya na naman ang gugulo sa akin?At take note ah. Tumabi pa talaga sya sa akin. Tss
"Sayo ba tong cafeteria ms. Transferee?" Pilosopong tanong nya.
Wtf. Malamang hindi. Obvious ba?!
"What i mean is, bakit ka umupo sa tabi ko? Eh ang dami daming upuan oh" sabay turo ko sa mga bakanteng upuan. Hindi ba nya alam na nakakaistorbo sya? Duuuh.
"Gusto ko lang makipagkilala, bawal ba?"
Makipagkilala? Sa akin? Duuuh, balak nya ba akong pagtripan? Don't me!
"Oo bawal!" Pagkasabi ko non ay kinuha ko yung mga gamit ko at aalis na sana ako pero bigla nyang hinila yung kamay ko, yung mismong kamay ko mga besss!
"Bakit naman bawal hah? Sa gwapo kong to tinatanggihan mo ko?" Sabay ngisi.
Yuck! Gwapo daw? Kadiriiii.
Hindi nya parin binibitawan yung kamay ko."FYI, hindi ka gwapo no! Tsaka huwag mo nga akong hawakan!" Inis na sabi sabay alis ng kamay ko sa kamay nya. Waaaaah!
Ang late ng reaction ko dun.Tumawa lang sya. May nakakatawa ba? O sadyang may saltik lang sya?Maka alis na nga!
Naglakad na ako palayo sa kanya.
Bumalik na ako ng classroom para sa last subject ko, sakto naman na pagdating ko sa room ay kakapasok palang ng lecturer.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at napansin ko na wala si Luke. Ganyan ba talaga kapag tagapagpasiya? Basta basta mo nalang gagawin ang lahat ng gusto mo? Tsk! Walang kwenta!
Sinimulan ng mag discuss ng lecturer kaya umupo na din ako. Ito ang major subject ko dahil lahat ng mga diniscuss nya ay about sa business. Ms. Badilla, ABM teacher.
(hehe sensya na sa ABM, di ko alam kung ano eh hehe)
After 2 hours ay dinissmiss na kami ni Ms. Badilla. Pumunta agad ako ng cafetria para bumili ng pagkain, nakakagutom kase yung mga itinuro ni Ms. Badilla eh. Grabeeeee. Ang dami kong inorder tutal libre naman to eh, hindi pala, kasama pala to sa mga binayaran ng mga magulang namen.
Pumunta ako sa isang table at kumain agad.
Haaaaayyy grabeeee, ang dami kong nakain hahaha. Nagpahinga lang ako ng 5 minutes at pagkatapos ay umalis na ako.
Nasa entrance na ako nung makakasalubong ko na naman ang dalawang feeling pogi. Ew!
Ngumiti agad si Joshua sa akin pero tinignan ko lang sya, si Luke naman ay deretcho lang na naglalakad.
"Hi miss transferee" bati agad sa akin ni Joshua. Anong meron? Bat lagi nya akong binabati ngayong araw? Eh yung unang pagkikita namin ang yabang yabang tas ngayon nagpapapansin. Abnormal lang??
"Hello Joshua" tsaka ko tinignan si Luke. Parang wala lang syang narinig. Bat ba ako nacu-curious sa reaksiyon nya? At ano bang ginagawa ko? Bat ako naghello? Malamang nag hi sya sayo Zin. Waaaaaaah. Baliw na ata ako. Bakit ko kinakausap yung sarili ko. Huhuhu.
"How did you know my name??" Nagtakang tanong sa akin ni Joshua.
"Hinula ko lang" naka ngisi kong sabi. Ayokong sabihin na si Jane yung nagsabi baka ikapahamak pa nya.
"Ang galing mo namang maghula? By the way, what's your name ms transferee?" Wow ah. Sinamantala nya ata yung pagsagot ko ng hello sa kanya, eh ginawa ko lang naman yon para tignan yung reaksiyon ni Luke eh. Feeling ba ng Joshua nato close na kame? Asaaaa!
"My name is Zin Serrah Meze, Zin for short" Sagot ko saka ako ngumiti ng pilit, as in pilit. Gawd! Ano ba tong ginagawa ko? Malilintikan ako neto kay Jane eh. Sabi nya iwasan ko sila pero anong magagawa ko kusa silang lumalapit eh.
"Wow ah, parang kanina lang ang sungit sungit mo sakin tapos ngayon sinabi mo pa yung name mo? Anong nakain mo?" pang aasar nya. Bwst naman to, bat pa nya binanggit yon? Nakakahiya.
"Sa dami ng nakain ko hibdi ko na alam kung ano sa mga yon ang nag udyok sa akin para kausapi ka" Sagot ko, hahaha. Yan, kala mo ah?Lintik lang ang walang ganti Joshua.
Pagkatapos non ay umalis na ako. hlHindi ko na tinignan ang ekspresiyon ni Joshua sa sinabi ko. Hahaha bagay lang sa kanya yon.
Pumunta na agad ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Maya maya ay tinignan ko ang oras, 7:01 pm. Dinner na pala. Pano yan eh ang dami kong kinain kanina kaya hanggang ngayon busog pa ako. Sasabihin ko nalang kay jane na hindi ako kakain.
Kumatok ako sa kwarto nya at pinagbuksan naman ako agad.
"Pasok ka" sabi nya.
"Ah hindi na, sasabihin ko lang sana na hindi nako kakain dahil naparami yung kain ko kanina, sorry kung di kita masasabayan ah? Paliwanag ko.
"Okay lang sige" sagot nya.
Bumalik na ako sa kwarto ko. Sana okay lang sa kanya yon. Wala naman kasi akong gagawin don kung sasamahan ko sya. Ano yon? Tititigan ko lang sya hanggang matapos syang kumain? Loool.
Makatulog na lang at maaga pa ako bukas.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Misterio / SuspensoLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...