Chapter 27

4.7K 121 1
                                    

Zin' PoV

May binigay na papel sa akin si Luke bago kami bumalik sa dorm.Buti nalang at walang nakakita.

Nung nasa kwarto nako ay saka ko binuksan yon.

"Meet me downstairs at 9:30 pm"

Yan yung nakasulat sa papel na binigay nya.Pero bakit 9:30?Sabagay mas mabuti na yon kesa sa may makakita.Haaaayst.Ano kayang balak ng lalaking to?

Tumingin ako sa relo ko.7:35pm palang.Anong gagawin ko sa loob ng isang oras?Haaaay Lucas.Imbes na matutulog nako maninistorbo ka paaaa.

So ayun.Naghilamos, nagtoothbrush at nagbihis nako.Then nagpahinga ako.Bat ba kase walang signal dito?Walang kwenta yung mga cellphone tsk!Sana kahit may tv man lang dito para updated sa mga news eh no?Haaaayst.

Tictac

Tictac

Tictac

Tictac

Tumingin ako sa orasan ko.Mag 9:30 na.
Dali dali akong bumaba mula sa kwarto ko.

Ang tahimik.Nakakatakot huhu.Bwisit na Luke kasi yon eh.Dapat pumunta nalang sa harap ng kwarto ko.Wala naman siguro syang gagawing masama.

Nasa baba nako.Nasaan na ba sya?
Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko syang paparating palang.Haaaayst.Nauna pa ako sa kanya.

Nung makalapit sya sa akin ay bigla nya kong niyakap.

*O* yan yung reaction ko guys habang yakap yakap nyako.Anong meron dito?Bat bigla bigla syang nangyayakap.May problema ba sya.

"You came.Thankyou" bulong nya tsaka nya inalis yung pagkakayakap nya sa akin.

"May problema ka ba Luke?Sabihin mo, i will listen"sabi ko.Handa naman akong makinig eh

" Nothing. Akala ko hindi ka pupunta eh.Akala ko hindi mo na ko kakausapin.Kanina pa ako naghihintay doon"sabi nya sabay turo doon sa pinanggalingan nya.So kanina pa pala sya.Tsaka anong sinasabi nya?Hindi ko na sya kakausapin?Dahil saan?Sa pag amin nya?

"Im not that kind of girl Lucas" sabi ko.

"Thankyou Zin." Sabi nya tsaka nya ulit ako niyakap.

Anong meron sa taong to.Nakakabigla ah.

"Zin, promise me.Wag kang mawawala ah?Don't leave me" sabi nya.Anong pinagsasabi mo Lucas?

"Anong pinagsa-" hindi ko natuloy.

"Please.Just promise me" sabi nya.

"I promise" sabi ko.Tsaka na sya bumitaw sa pagkakayakap saken.

Umupo kaming dalawa sa may hagdan paakyat sa dorm namin.

Ayun.Tahimik lang sya.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?Anong oras na kaya.May sasabihin ka ba?" Tanong ko.

Sacred School University (School Of Demons)Where stories live. Discover now