"Wag mo nga akong binabola Zin, ikaw lang maganda dito, hahaha" wika ni Jane.
"Ano ka ba, walang panget na tao, plastic meron haha" pagbibiro ko.
Tsaka kami nagtawanan ng nagtawanan.
"Nga pala Jane, simula ngayon bessy na yung tawagan natin ah?" Sabi ko habang kasalukuyan nyang inaayos yung sarili nya.
"Oo ba, why not bessy?" Natatawa nyang sabe.
"Ang pangit kase kung name lang natin yung tawag natin sa isat isa, tutal ikaw lang naman yung kasama ko at ako lang naman yung kasama mo, so were bestfriend na since now, okay?"
"Okay bessy, tara na at malapit ng mag 7 oh" aya nya sakin.
So naglakad na kami papunta sa venue, naka dress ako, so hindi sya fitted saken, tube sya, yung buhok ko ay nakalugay tapos kinulot ni Jane. then si Jane naman ay fitted dress yung sa kanya, tapos naka lugay din yung hair nya.
Marami kaming nakakasalubong na babaeng naka black gown/dress tapos nagtitinginan samen, then yung sa boys naman ay black suit and neck tie. Grabe, ang daming mga demonyong gwapo dito.
Medyo malayo layo sa dorm namin yung venue, nakakapagod maglakad, tapos naka heels pa huhuhu. Ang sakit na ng paa ko.
Lakad
Lakad
Lakad
Lakad
May naririnig nakong tugtugan, it means na malapit na kame, mukhang masaya nga to wahahaha!
Narating na namin ang venue, bawat makasalubong namin ay napapatingin sa amin, ganon na ba kami kaganda? Charot hahaha.
Huminto kami ni Jane sa isang table,
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mystery / ThrillerLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...