Chapter 3

8.2K 172 0
                                    

Habang naglalakad kami ni miss A ay lumilinga linga ako sa paligid, malaki ang school nato, medyo nakakatakot nga lang dahil sa mga malalaking puno na bumabalot dito at hinaharangan ang liwanag na syang dahilan kaya medyo madilim sa paaralang ito. Tahimik ang lugar dahil siguradong kasalukuyang nagkaklase ang mga estudyante dito.

After ng 10 minutes na paglalakad ay pumasok kami sa isang malaking building na may apat na palapag at may nakalagay na "Girls Dormitory"
Of course ihihiwalay nila ang mga kwarto ng mga babae sa kwarto ng mga lalaki. They are not crazy not to do that right?

Umakyat kami sa 2nd floor ni miss A at huminto sa panglimang kwarto.

"Miss Zin? Ito ang magiging kwarto mo, I hope you like it." Nakangiting wika nya.

Ngumiti ako ng pilit bilang sagot.

Binuksan nya ang pinto gamit ang susi. Pumasok kaming pareho sa kwarto at sinindi nya ang ilaw. Bumungad sa amin ang maalikabok na kwarto, at puno ng sapot ng gagamba. Kinilabutan ako sa mga nakikita ko, parang pang horror ang kwartong ito. Kahit sino naman siguro hindi magugustuhan ang kwarto kung ganito kaalikabok eh.

Gawd! Ilang dekada nabang hindi nagagamit ito? Tsk!

"Pagpasensyahan mo na kung marumi ito, doon ka muna sa cafeteria pumunta para kumain, ipalilinis ko muna ang kwarto mo." Sabi ni miss A.

"Okay." Yan na lang ang nasabi ko.

"Huwag kang mag alala sa mga gastusin mo miss Zin, dahil binayaran na ni sec. Dy ang lahat ng kaylangan mong bayaran. Bumalik ka nalang dito matapos ang isang oras." Sabi nya at saka umalis.

Muli syang lumingon sa direksyon ko at sinabing "bukas ka na nga pala mag uumpisang pumasok miss Zin, be ready." Saka sya ngumisi at tumalikod sa akin.

What the fuck is that smirk? She's so weird.

Bumaba ako mula sa second floor at naglakad lakad dahil hindi ko alam kung nasaan ang cafeteria sa school na ito.

Habang naglalakad ay nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Bigla akong kinabahan kaya minadali ko ang paglalakad.

Sa sobrang bilis ng paglalakad ko ay may nabangga ako, napatingin ako sa kanya, isang gwapong mukha ang nasa harapan ko. He has a brown eyes, pure black at bagsak na buhok.
Nang mapansin kong nakatitig na ako ng matagal sa kanya ay nag salita ako.

"Sorry." Sabi ko at hahakbang na sana akong muli ng hinawakan nya ang balikat ko at sinabing

"Sorry? Yun lang?" Tanong niya.

"Sorry, nagmamadali kasi ako." Sagot ko ng hindi humaharap sa kanya.

"Wow, hindi mo ba alam kung sinong binangga mo miss?"

Malamang hinde! Bago nga ako dito diba?!

Humarap ako sa kanya "Pake ko ba kung sino ka? Nag sorry na nga ako diba?" Asik ko.

Natawa sya sa sinabi ko.
Tsk! Whats funny? May nabanggit ba akong nakakatawa? Is he crazy? Baliw ba lahat ng mga tao dito?

Tumingin sya sa akin na para bang pinag aaralan ang mukha ko "Are you a new student? Hindi kase pamilyar ang mukha mo."

Obvious ba?

"And so?" Nasabi ko nalang.

Ngumisi sya "Palalagpasin ko ngayon ang ginawa mo miss because your a transferee, mag iingat ka sa susunod." Matapos nyang sabihin yon ay naglakad na sya palayo sa akin.

Sino ba sya sa akala nya?Presidente ng Pilipinas? Tsk! Nagsorry na ako ang dami pang sinabi. Grrrr!

Nagsimula akong maglakad. Nang dahil sa lalaking iyon, nawala sa isip ko na may sumusunod nga pala sakin kanina, I don't know kung meron nga or guni guni ko lang yon.

Sa gitna ng paglalakad ko ay nakita ko na ang kanina ko pa hinahanap, ang cafeteria. Pumasok ako doon, malaki ang cafeteria dito kaya sa tingin ko ay hindi magsisiksikan ang mga students. Sa wakas nahanap ko rin, grabeee im so hungry. Pagkapasok ko ay nakita ko ang naparaming tables dito. Agad akong umorder ng mga pagkain gaya ng burger, fries, ice tea, at spaghetti, pumunta ako sa isang table bitbit ang mga inorder kong pagkain.

Habang kumakain ako ay biglang nagsidatingan ang mga estudyante sa cafeteria, tumingin ako sa relo ko 9:45am. Fuck! break na ba nila? Kada pumapasok ay binigyan nila ako ng "who are you" na tingin at yung iba ay nakakatakot na para bang galit sila. Minadali ko ang pagkain ko at agad na lumabas ng cafeteria.

Malapit na ako sa exit ng may makasalubong akong dalawang matangkad na lalaki, muntik ko ng mabangga ang isa sa kanila, gwapo sya, mahaba ang pilik mata, red lips, matangos ang ilong at color brown ang kanyang mga mata at buhok, at masyadong seryoso ang mukha nya. At ang isa ay familiar sa akin, what the fuck! Yung nakabangga ko kanina na mayabang na lalaki yon. Pag minamalas ka nga naman oh!

Mukhang yung kasama nya lang ang nakakita sa akin kaya dali dali akong yumuko at lumabas ng cafeteria.

Nang makalabas na ako ng cafeteria ay naglakad ako, bigla kong naalala na kaylangan kong bumalik sa dorm ko.
"Saan na nga ba yon?" Tanong ko sa sarili ko habang patuloy na naglalakad.

Sacred School University (School Of Demons)Where stories live. Discover now