Zin's PoV
Umakyat nako sa building ng girls dorm, habang paakyat ay naalala ko yung mga kinweto ni Joshua sa akin, sino si Adrian? Classmate ko daw sya eh. Sabagay wala naman kasi akong pake sa mga kaklase ko eh kaya malamang hindi ko kilala yon.
Itatanong ko nalang bukas kay Luke para makapag thank you ako.
Malapit nako sa kwarto ko ng makita ko si Jane na nasa harap ng pintuan ng kwarto ko.
"Where have you been Zin? Im looking for you the whole afternoon" tanong nya ng makalapit nako.
Sobra siguro syang nag alala. Haaayst. Bakit ba kasi sa kwarto ni Luke ako dinala? E pwedi naman sa kwarto ni Jane. Gaaaawd!
"Ahhhm. Bukas ko nalang ikukwento Jane, pagod nako eh sorry. Promise ikukwento ko lahat sayo bukas." Sabi ko sabay ngiti.
"Siguraduhin mong ikukwento mo lahat Zin ah" paninigurado nya.
"Oo promise, sige pasok nako, sorry kung hindi kita masasamahang kumain ngayon, hindi na kaya ng katawan ko eh" paghingi ko ng pasensya.Grabeeee sayad na sayad talaga ako.
"Okay lang ano ba. Sige na magpahinga kana don, bukas nalang babyeee" paalam nya.
Ngumiti nalang ako at pumasok na sa kwarto ko. Naghilamos at nagbihis muna ako bago then natulog.
KINABUKASAN**
Nasa cafeteria kami ngayon ni Jane at kumakain ng breakfast.
"So saan ka nga pumunta kahapon Zin?" Tanong nya.
Oo nga pala, nagpromise akong ngayon ko ikukwento.
"Ganito kasi yon"
Tsaka ko na kinwento sa kanya lahat ng nangyari sa akin na kinwento si Joshua. Simula sa pag uutos ni Mr. Zamora hanggang sa nakarating ako sa kwarto ni Luke.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mystery / ThrillerLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...