Zin's PoV
Dismissal na ng hapon, hindi ko na hinintay si Jane na lumabas, agad akong dumiretso sa Kwarto ko, ginawa ko agad yung mga assignments ko sa math.
Matapos ang ilang oras ay tumingin ako sa relo ko, 7:11pm. Gawd! Hindi ko na namalayan ang oras, sobrang hirap kase ng math nato eh huhu.
Maya maya ay nagbihis nako, pagkatapos ay pinuntahan ko si Jane sa kwarto nya para yayain na kumain.
"Saan ka ba nanggaling? Bakit hindi mo ko hinintay kanina?" Tanong nya habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
"Pumunta agad ako sa kwarto ko nung dismissal para gawin yung assignment ko sa math, medyo marami yung binigay na problem solving nung lecturer namin eh kaya nagmadali ako para matapos agad kaso mali ako eh, natagalan pa ako." paliwanag ko.
Tumango nalang sya.
Pagdating namin sa cafeteria ay agad kaming umorder at mabilis na kumain, pagkatapos ay bumalik na kami sa dorm at natulog.
***
Tatlong linggo na ang lumipas simula noong lumipat ako ng school. Friday na ngayon kaya makakapagpahinga ako ng maayos bukas.Natapos na ang recess namin kaya pang 4th subject na. Filipino. Dumating na ang lecturer at nagsimulang mag discuss.
Pagkatapos nyang magdiscuss ay nag pa oral recitation sya.
"Ano ang tekstong naratibo?" Alam ko yung sagot kaya nagtaas agad ako ng kamay.
"Yes ms. transferee?" Lahat ng lecturer ay ms transferee ang tawag sa akin maliban nalamang kay mr. Falcon.
"Ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay ng magkakasunod sunod na pangyayari" paliwanag ko
"Good. Take your seat." Utos nya.
"Next question. Ano ang tekstong impormatibo?" Alam ko rin ang sagot kaya nagtaas ulit ako ng kamay.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Misterio / SuspensoLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...