Lumipas ang sabado at linggo, wala naman masyadong nangyari at nakapagpahinga ako ng maayos. Lunes na ngayon at kasalukuyan kaming nasa canteen ni Jane dahil Lunch time na.
Habang kumakain ay may naisip akong itanong kay Jane.
"Kelan kaya magaganap yung pagpapasya kung sinong tatargetin this year?" Di ko alam kung bakit ko naisipang itanong yan, na cu-curious lang talaga ako.
Biglang napa ubo si Jane.
"Bakit mo naman na itanong yan?" tanong nya sa akin.
"na cu-curious lang ako kung kelan at anong mangyayari" kelan nga kaya? Hmmmm.
"Kung ako sayo, hindi ko na hihilingin na makita pa kung ano ang mangyayari Zin"
"Bakit naman?" Curious na tanong ko.
"Dahil sobrang sakit na makitang unti unting pinapatay ang isang taong wala namang kasalanan at walang ginagawang masama."
Aw. Tinutukoy nya ba yung nangyari dun sa best friend nyang si Haylee?Siguro nakita nya kung paano nila sya pinatay, nakakalungkot naman.
"Si Haylee" nagulat ako sa biglaan nyang pagbanggit sa pangalan ng best friend nya.
"Nung araw na nakita naming nakapaskil ang litrato at pangalan nya sa bulletin board, doon na nagsimula ang pagdudusa nya." Pagpapatuloy nya.
So, ipinapaskil pa talaga sa bulletin board? Grabeee, malalaman talaga ng lahat kung sinong target nila, sa bulletin board kase inilalagay lahat ng mga announcement eh.
"Pagkakita namin doon sa litrato nya, tinignan nyako sa mata, sobrang lungkot ng tingin nyang iyon, noon ko lamang syang nakitang ganon, ako naman ay nataranta na, hindi ko alam kung saan ko sya itatago para hindi nila sya makita, maya maya may tumulong na lalaki sa amin, naka facemask sya at naka cap kaya hindi ko sya nakilala o namukaan man lang." Wow sino kaya yun, ang bait nya naman. Malamang isa rin syang student sa school na to.
YOU ARE READING
Sacred School University (School Of Demons)
Mystery / ThrillerLumipat ng bahay si Zin at ang mommy nya, kaya napilitan din syang mag transfer sa ibang school.Inilipat sya ng school ng kanyang mommy sa "Sacred School University" ang school na ito ay malayo sa mga tao o sa syudad kaya walang may alam kung anong...