Simula

32 4 0
                                    

Simula

Henrick Olivares Sy
1960-2003
Rest In Peace

Nasa puntod ako ni daddy at hanggang ngayon hindi pa din ako umuuwi. Mag sasampung oras na kong nandito simula nung ilibing siya, hindi ko maramdaman ang kahit na anong gutom at pagod. Kung 'di ang galit, poot at lungkot sa taong pumatay sa taong pinaka mahalaga sa buhay ko.

Pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko sya at hindi ako titigil, gagawin ko sa kanya kung anong pinararanas nya sa akin ngayon.

"Dad? Ano ba talagang dahilan bakit ang aga nyo po kong iniwan? Ang daya daya nyo po eh!"

Hanggang ngayon hindi namin alam kung bakit 'to ginawa kay daddy. Ang hinala namin ay dahil sa business, pero bakit? May nakaaway ba si papa?

"Hindi ka ba nakakaramdam ng gutom dyan Luna? Pag ikaw inatake ng hika dyan ako mag lilibing sayo."

Nagulat ako sa nagsalita. Si kuya lang pala, at nakukuha nya pang mang asar sa kalagayan namin ngayon ha?
"kuya naman! Hayaan mo muna kong samahan si daddy dito at tsaka wala ng pasok bukas." reklamo ko.

Nagbuntong hininga na lang si kuya dahil alam nyang hindi ako mapipigilan sa mga ganitong bagay.

"hay nako luna, hindi naman mawawala si dad eh" umupo sya sa tabi ko "Nandyan pa din naman sya kahit hindi mo sya nakikita, pero atleast nararamdaman mong kasama natin siya diba?"

Kahit na palagi akong inaasar ni kuya lee hindi nya kinakayang nakikita akong nasasaktan. Magkaibang magkaiba sila ni kuya jade, si kuya jade kase inaasar na nga ako dinedemonyo pa ko tapos palagi na syang busy dahil sa business na naiwan ni dad pero kahit ganun mahal ko siya, silang dalawa pati ni mom.

"kuya lee, babalik naman agad ako sa bahay eh. Tsaka promise walang mangyayaring hikaan moment dito" mukhang nakumbinsi ko naman sya pero nakikita ko sa mga mata nya na malungkot pa din sya

"hays! Pasalamat kang luna ka mahal kita nako kung hindi baka matagal na kita binaon kasama ni dad" natawa naman ako sa sinabi nya. Ngayon nya lang ulit kase sinabing mahal nya ko, eh kasi si kuya jade never pa ko sinabihang mahal nya ko.

Nakakaramdam na ako ng gutom siguro dapat sumama na ako kay kuya lee. Pero kasi sobra kong mamimiss si daddy.

Nagulat ako ng may nagsalita ukit sa likod namin ni kuya lee "hoy pandak! Tumayo ka dyan uuwi na tayo, at ikaw dyan lee wag mong kunsintihin yang pandak na yan!" ay nako! Napaka bossy talaga ni kuya jade, kahit kailan napaka sungit

Sige na nga! Full force pa talaga sila ni kuya lee ha? Sagabal talaga sila sa moment ko eh no! "Oo na sige na uuwi na ko!" magpapaalam na lang siguro muna ko kay dad.

"dad, uuwi na ko ha palagi mo kaming babantayan nila kuya lee at jade tsaka sana masaya ka na dyan kasama si god, I love you po!" hindi ko namalayan na tumulo na pala yubg luha ko sa lapida ni dad.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at saka tumingin sa dalawa. "oh bakit luna? Alam ko namang gwapo ako kaya wag mo na kong titigan" kapal naman ng mukha nito ni kuya lee napakayabang!

"nako lee wag ka nga mangarap dyan mas gwapo pa din ako sayo, you're not enough para pantayan ako" pagmamayabang ni kuya jade.

Nako mukhang mag aaway na naman tong dalawang to! Subukan lang nila ako na talaga maglilibing sa sarili ko.

- - -

Nasa kotse na ko ni kuya jade at yung kotse naman ni kuya lee at akin pinadrive namin sa drivers para ipadala sa bahay. Gusto kasi ni kuya jade makalimutan muna namin yung nangyari at maglibot muna ng sabay pero nagrereklamo si kuya lee na wag na daw dahil pagod na kami lahat.

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now