Basketball Team
Seryoso ba si mac kanina, gusto nya daw manligaw!? Putcha alam ko naman na kahit sabihin kong ayaw ko manliligaw pa din yun, parang mardee lang. At saka as if naman na may lakas ako ng loob na tanghihan sya diba
Nababaliw ka na talaga luna!
Nakaalis na sila mardee at mac dahil babalik na sila sa party, at ako naman aalis muna dahil bibili ng pagkain at gamot. Papalabas na ako habang wallet lang ang dala ng makita ko si cj na naninigarilyo sa labas.
Sinarado ko agad yung pinto dahil hindi ako pwedeng makalanghap ng usok ng sigarilyo. Sabi kasi nung mga walang kwenta kong mga kuya. Pagkasarado ko lumayo na ako sa pinto at sinundan naman ni cj na pagpasok. Mukhang gulat sya sa ginawa ko.
Medyo turn off din kasi ako, ayoko sa lahat yubg naninigarilyo. Hindi nga naninigarilyo si kuya lee eh. "luna bakit? Hindi ko alam na ayaw mo pala sa mga naninigarilyo. Hayaan mo hinding hindi na ako maninigarilyo" jusko na misunderstand nya pa yung ginawa ko.
"hindi ganun cj pero kasi...." tumaas yung kilay nya at nag aantay ng sagot mula sa akin "hindi kasi ako pwede sa usok ng sigarilyo, and actually ayaw ko din sa naninigarilyo pero hindi ako na turn off, pero... Parang ganun na nga hihe"
Bakit ba naman kasi dyan sya naninigarilyo sa tapat ng bahay nila pwede naman sa rooftop na lang. "Ganun ba? Sige hindi na talaga ako maninigarilyo" waaah sorry cj kasalanan ko to
"hindi! You can do whatever you want ano ka ba! Bawal lang talaga sa akin yun kaya ako lumayo" tumango na lang sya pero wala pa ding ngiti sa mga labi nya
"eh bakit ka ba lalabas? Hinahanap mo ba ako?" nagtataka nyang tanong.
Okay lang naman kung sasabihin kong bibili ako ng gamot pero ang bibili ako ng pagkain ay nakakahiya na. As usual hindi nya ako papayagan na bumili ng pagkain dahil alam kong aayain nya lang ako at bibigyan galing sa loob ng bahay, masyado na akong nakakaabala.
"ah kase cj, bibili ako ng gamot" hindi pa din sya nakuntento sa sinabi ko
"and?..." hala alam nya ba na gutom ako? Huehue
"Nagugutom na kasi ako and wala pa akong kain simula kaninang umaga" tama kaninang umaga pa ako walang kain dahil sa sobrang dami na nangyari.
"WTF LUNA!? are you trying to kill yourself?!" sigaw nya.
Ayan nanaman, ayoko sa lahat yung sinisugawan ako. Kumunot yung noo ko at alam kong nakita nya yun. Agad syang lumapit sa harap ko at niyakap ako "sorry luna, i didn't mean to shout you, sana kasi sinabi mo agad para di ako nagaalala ng ganito. Wait ka lang dyan at kukuha ako ng pagkain at bibili na ako ng gamot mo"
"okay" ang tanging nasabi ko lang bago siya unalis para kumuha ng pagkain.
Pagbalik nya may dala na syang napakaraming kanin at mainit pa ito at saka sinigang at nilaga. Pota! Naglalaway na ako dito. Inabutan nya rin ako ng pinggan with kutsara at tinidor syempre. Sinabi ko na din yung gamot ko at bago sya umalis huminto muna sya saglit "dapat pag uwi ko ubos na lahat yan ha
Ngumiti ako at ganun din sya, Nang makaalis sya saka ko nilantakan lahat ng nasa harap ko. Kain lang ako ng kain at wala na akong pakielam kung mabulunan ako, hindi ko namalayan na wala ng natira sa mga hinain ni cj sa table
"shit" bulong ko.
Luna what the heck! Masisira na yang beauty mo! Ang dami mong kinain, patay gutom kang malandi ka!

YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...