Halik
Tapos na yung last subject ko at pupunta na ako ng kotse para pag uwi mag aayos na ako para sa birthday ni mardee.
Papunta na akong parking lot at nakita ko si mardee na nakasandal sa kotse nya. Nilapitan ko sya para magtanong kung bakit pa sya nandito. "oh mardee? Bat nandito ka pa? Hindi ka pa ba mag aayos para mamaya?"
Nakangiti nanaman sya "Wala namiss lang kita haha! Sige na, nakita na naman kita eh kaya una na ako" pumasok sya sa kotse nya pero bago sya umalis pinigilan ko muna sya.
"mardee!" lumingon sya sa akin, hindi pa din napapawi yung ngiti nya kaya nakangiti din ako.
"oh? Bakit? Namiss mo ko ka agad?" natawa kaming dalawa at halatang nag b-blush nanaman ako
"gusto ko lang kase na magpasalamat sa binigay mong singsing, sobra ko talagang nagustuhan" mas lalo syang ngumiti sa sinabi ko "sige una na ako"
Tumalikod na ako pero narinig kong tinawag nya ako "bestfriend!" napalingon ako. Nilapitan ko ulit sya tapos bumaba sya ng kotse nya. "may gusto lang akong sabihin" parang may pakiramdan na ako sa mga ganito ha.
"ah kase luna pwede ba na ano?" hala mukhang alam ko na kasunod nito waah! Help!
"a-anong p-pwede?" hala bakit ako nauutal? Potek! Luna umayos ka ha! Hindi nakakababaeng marangal yan!
"can i court you?" sabi ko na nga ba eh haha pero sige ayoko naman syang saktan at ayoko ng may nasasaktan. Gwapo naman sya tsaka matangos ang ilong, brown ang mata at mahabng pilikmata. Nasa kanya na ata lahat eh
"ummm sige ikaw bahala" ngumiti sya na akala mo wala ng bukas, pero bakit si christian akala mo mamamatay na oa talaga nung taong yun.
Hindi naman sa nag papa easy to get pero ligaw pa lang naman eh, pano ko malalaman kung deserving ba talaga sya o hindi diba? "oh paano ba yan? 'di na kita hahayaan na mag isa, sumabay ka na sa akin at ako na maghahatid sayo"
Hindi ko na alam kung ano ba ginagawa ko pero sige na nga iiwan ko muna yung kotse ko dito. Hanggang sa makarating ako sa bahay dala dala ko pa din yung kilig ko.
Nag ayos na agad ako at nag make up, gusto ko light lang para hindi masyadong magmukha akong tanga. Sinuot ko din yung singsing na binigay ni mardee.
Binuksan ko ulit yung invitation para tignan kung saan yung venue, malapit lang pala sa amin kaya bumaba na ako at nagpaalam kay mommy.
Papalabas na sana ako ng pinto nang tawagin ako ni kuya jade "san ka pupunta luna bakit nakabihis ka?" hala sasabihin ko ba sa kanya? Lalabas na sana ako eh, paano ba to baka pigilan nya lang ako.
Bahala na nga si batman "ah kasi kuya birthday ni mardee ngayon, please kuya ngayon lang pleaseee" nag puppy eyes ako at mukhang epektib naman kase ngumiti sya.
"okay lang, sige na pukunta ka na basta tumawag ka pag nandun ka na ha at uuwi ka ng maaga ha, aabangan kita" ito nanaman yung protective kong kuya.
"sige po kuya, promise po" ngumiti ako at nung bubuksan ko ulit yung pinto...
"hoy lunang pandak!" ano bang toyo ni kuya jade ngayon? Aalis na lang ako kailangan may pang aasar pa? Tinanong ko sya kung bakit tapos ngumiti naman sya "Wala, ang ganda mo lang ngayon" yieeeee! Hahahahaha labyu kuya bawing bawi ha!
"thank you kuya! I love you!" at saka binuksan ko yung pinto ng mabilisan at lumabas mamaya kasi tawagin nya nanaman ako eh.
- - - -

YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...