Chapter 24: Kuya

16 2 0
                                    

Kuya


Luna's PoV

"Liam uwi na tayooo" sabi ko, nababagot na kasi ako dito, ang tagal tagal ako palabasin ng doktor eh okay naman na ako

"Hindi pa pwede, wag ka ngang makulit kiss kita dyan eh" tsk kahit kailan talaga sya, Pag labas ko dito gusto ko munang mamasyal para makapag relax naman ako.

"Liam paglabas punta tayo sa bahay nyo please" bigla naman syang tumawa sa sinabi ko, baliw talaga sya.
"ano namang nakakatawa ha?"

"eh dun naman talaga tayo pupunta sa bahay namin, na magiging bahay natin" Kaya pala ang lakas ng tawa nya eh, pero pano kaya yun alam din kasi ni hera na dun yung bahay ni liam

"eh diba alam ni hera na dun ka nakatira?" Ngumiti naman sya, baliw talaga.

"Binenta ko na yun at bumili akong bago para dun tayo mag start, tsaka makabuo ng pamilya" kumindat sya kaya nakatikim nanaman sya ng malakas na hampas sa braso sa akin

"aray!!" bagay lang sayo yan, kulang pa nga yan eh. Inirapan ko sya tapos tumingin na lang sa kisame. "Kung mag kaka baby tayo ilan gusto mo?" nabigla ako sa tanong nya pero ilan nga ba ang gusto ko maging anak?

"Gusto ko mga 20" lumaki naman yung mata nya sa sinabi ko at tumawa

"Ano 20!? Baka mahirapan ka dun!" Hindi ako mahihirapan lalo na kung yun yung gusto ko "Pero sige para araw araw natin gagawin yun" kinindatan nanaman nya ako, napaka gago nya talaga. "pero bakit naman 20 baby?"

"gusto ko kasi masaya, gusto ko kapag wala yung isa, madami silang kalaro. Tsaka gusto ko marami din mag aalaga sa akin kapag may sakit ako, tapos marami din akong inspirasyon kapag may ginagawa ako" tumango naman sya.

"Gusto mo baby gawin na natin ngayon haha!" siraulo talaga sya

"Pwede ba mag aral muna tayo! Wala ka pa ngang trabaho, yan na agad nasa isip mo!" sya naman yung tinawanan ko.

"kaya ko naman pagsabayin yung pag aaral tapos pag t-trabaho ha? Tsaka kaya ko nga kayong buhayin ng wala akong trabaho" ayoko pa din, gusto ko may trabaho sya. Pano kapag wala na yung mga taong pinagkukuhanan nya ng income, edi wala na din kaming papakain sa mga anak namin

"ayoko" sabi ko.

"bakit naman?" tanong nya.


"Ayokong nahihirapan ka, gusto ko kapag trabaho, trabaho lang. Wala ng iba" tumango naman sya tapos hinalikan ako sa noo.

- - - -

"Nasan tayo liam?" tanong ko kasi ang laki naman ng bahay. At sobrang ganda nito, may chandelier pa. Mas malaki pa ata to sa bahay nila cj eh.

"nasa bahay natin, nandito na din yung mga gamit mo sa kwarto" Tumango na lang ako at tsaka tumingin tingin pa sa paligid.

Pumunta ako sa ref, gusto ko kasing uminom. Pero pag bukas napaka daming chocolate sa loob, halos sakupin na nga eh "Liaaaaam!" agad naman nya akong dinaluhan dahil sa sigaw ko

"bakit?" sabi nito, habang ako nagniningning yung mata ko sa dami ng nga tsokolate

"bakit ang daming chocolate dito?" tanong ko sa kanya, mas lumapit naman sya sa akin at niyakap ako galing sa likod.

"Gusto ko kasi palagi kang masaya" Okay. Alam ko naman kasi na nakakapag pasaya talaga yung chocolate, tsaka favorite ko na talaga yung chocolate since pa.

Umakyat na ako sa 2nd floor at pumunta sa sinabi ni liam na kwarto, nandun kasi yung gamit ko, gusto ko na muna kasing magpalit ng pambahay.

Pagpasok ko sa kwarto, ganitong ganito yung theme ng kwarto ko, black yung tiles tapos grey yung dingding. May picture din kaming dalawa dun sa table tapos ang laki laki ng kama.

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now