Over Night
Liam's PoV
Nasa ospital na kami ngayon at nasa E.R. na si luna, hindi ko kayang nagkakaganun sya, parang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya, bakit kasi ang tanga tanga ko kase binigla ko sya about dun.
"Liam, kamusta si luna?" tanong sa akin ni jade. Hindi mo makikitang nag aalala si jade dahil kung gagawin nya yun, lalo lang mag aalala si lee at luna sa kanya.
"Nasa loob na sya at chinecheck" sabi ko. Tumango naman sya.
Umupo muna ako saglit sa bench sa gilid at pumikit muna. Naisip ko kung paano magpaalam yung mga mata ni luna kanina, hindi ko kayang mawala sya sa tabi ko, simula ng pagdating ko dito sa pilipinas binabantayan ko na sya, at palagi syang nasa tabi ko kahit hindi nya ako napapansin. Pagsisisihan ko talaga lahat ng 'to kung may mangyari man sa kanya. "Liam saglit lang, malamang pagisinv ni luna maghahanap ng pagkain yun, gusto ko magpalakas sa kanya ulit" sabi ni lee habang ako nakatingala sa kanya
"Ako na lee, ikaw na muna mag antay dito" sabi ko.
"ayoko nga! Ako na!" pagmamatigas nya. Gusto ko kasi ako magpapakain kay luna eh.
"Sige pero gusto ko ako magpapakain kay luna ah!" Tumawa naman sya, ano naman nakakatawa sa sinabi ko.
"You're too possesive and caring dude hahaha!" yuck! Ako possessive? Asa!
Tatadyakan ko na sana sya pero tunakbo na sya habang tumatawa, siraulo talaga.
Habang naka pikit ako at nakaupo biglang may nagsalita na doktor
"Relatives of Luna Sy?" Sabi nung doktor kaya agad akong dumilat at madaling lumapit sa doktor
"AKO PO AKO PO!!" Hindi na ako mapalagay sa sasabihin nya kase dapat masaya sya eh, eh wala nga akong makitang emosyon sa mukha ng doktor na to eh
"kaano ano po ba sila?" kaano ano nga ba nya ako?
"A-asawa p-po!" malalagot ako kay luna nito, baka kasi kapag sinabi kong boyfriend nya ako limitahan ng doktor yung sasabihin nya eh
"ummm actually wala namang nangyaring masama sa patient, nagkaron lang sya ng minor attack. And she's stable now, Anyone can visit her." Buti naman, nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi ng doktor.
Tumango ako at umalis na ka agad yung doktor dahil may pasyente pa daw syang iba. Pinuntahan ko agad yung kwarto ni luna, gising na sya pero nakatingin lang sya sa kisame habang nakahiga.
Luna's PoV
Patay na ba ako? Bakit ang liwanag, kung patay na ako eh bakit ang lamig naman ata, daig pa ng langit yung may aircon eh. "luna ayos ka na ba?" hala! Bakit kaya nandito si liam? Nagpakamatay din kaya sya? Hala bakit liam!!! "HUY LUNA AYOS KA LANG BA?"
Natauhan ako ng sigawan nya ako, tumingin ako sa paligid, nasa ospital pala ako. Tanga lang. "ah-eh bakit ka ba nandito?" kumunot yung noo nya kaya kumunot din yung akin.
"Kakagising mo lang tapos susungitan mo na agad ako? Tss you're driving me crazy babe" huwaw ha, eh hindi ko nga naman kasi inexpect na nandito sya, akala ko nga nasa langit na ako eh!
"Nagugutom ako liam" nagulat ako ng ngumiti sya, ang weird nanaman nya tssss
"Okay teka lang kukuhanin ko yung pagkain mo" umalis sya saglit at parang may tinitignan sya sa labas. Nakabalik din naman agad sya pagkatapos ng limang minuto
YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...