Chapter 19: Jealous

3 2 0
                                    

Jealous

Inaantok pa ako pero ginigising na ako ni liam "babe gising na huy" niyuyugyog nya na ako pero nakapikit pa din ako. "Kapag hindi ka gumising hahalikan kita sige na"

Napatayo agad ako kasi alam kong gagawin nya talaga yun, nga pala huhu naghalikan kami kagabi jusko! Ano bang ginawa mo luna!!!

"Goodmorning sleepy head" ngumiti sya sa akin pero inirapan ko lang sya at tumayo na sa kama, pumunta ako ng cr para mag ayos, maligo, magbihis ng uniform at mag toothbrush.

Pagkalabas ko ng cr nag aantay pa din si liam "bakit mo ba ako inaantay?"
Tanong ko. Ang tagal ko kasi sa cr tapos inaantay nya pala ako.



"Ano bang sinasabi mo edi syempre sabay tayo papasok" oo nga pala nagsabi sya na sabay kami papasok, ano ba yan.

Tsaka saan naman nya nakuha yung uniform nya eh hindi naan 'to yung bahay nya "kanino mo nakuha yung uniform mo?" tanong ko. Bakit ba ang dami kong tanong?

"ah ito ba?" tinuro nya yun yung uniform nya. "Si Jade pinahiram ako, hindi na daw kasi nya to ginagamit since graduated na sya" kaya pala masyadong malaki sa kanya pero hindi naman nakakabawas ng ka gwapuhan nya

"still handsome huh" sabi ko at ngiti ko sabay irap sa kanya hahaha, nakakatawa kasi hindi nya inexpect na sasabihin ko yun. Lumabas na ako ng kwarto habang sya tulala pa din.

Pagbaba ko kumakain na si kuya lee at jade tapos si mommy nagluluto pa din at tinutulungan sila yaya "Oh pandak nasan na yung boyfriend mo?" ha? Eh wala naman akong boyfriend kaya napakunot yung noo ko "Wag ka ng magkaila, Si liam yung tinutukoy ko"


"Pero kuya hindi naman kami" napatawa si mommy sa sinabi ko

"asus malaki na talaga ang baby ko hahaha!" hala baliw na din ba si mommy, makatawa wagas.

Narinig kong may bumababa sa hagdan, si liam. "oh ayan na pala yung boyfriend mo luna oh?" ano ba! Hindi ko nga sabi boyfriend yan eh

"Kuya jade si kuya lee oh!" nagkatinginan si kuya lee at jade pero nagatawanan pa sila. Hays bahala na nga sila tinatamad na ako kumain.

Kinuha ko na yung bag ko sa sala at bumalik sa kitchen para mag goodbye may mommy. "oh luna, sabay na tayo! Uy wag mo ko iwan!" sabi ni kuya lee.

"hoy lee wag ka ngang epal dyan, sabay sila ng boyfriend nya" dafuq!? Ilang beses ko ba i eexplain na hindi ko sya boyfriend.

Pero teka nasan na ba si liam? Eh huking kita ko sa kanya nung bumaba sya eh tapos wala na, hindi na nagpakita.

Lumabas na ako at bumungad sa akin yung Porsche ni liam "Hi babe! Tara na ba?" inirapan ko sya at pumunta na sa kotse nya. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto saka ako pumasok.


Nang paandarin nya na yung kotse nya hindi ko tuloy maalis sa isip ko yung mga ginawa ko kagabi. Tsaka yung sinabi ko huhu

I love you more Liam


Waaaah umalis ka sa isip ko!!!

Pagkadating na pagkadating namin sa school ay lumabas na agad ako sa kotse nya, ganun din naman yung ginawa nya. Pero ang mas kinabigla ko ay yung lumapit sya tapos hinawakan yung kamay ko, para akong nakuryente sa ginawa nya at kinakabahan.


Namumula na ako huhu, pagpasok namin sa school pinagtitinginan na kami ng mga tao, eh kasi naman naglalakad kami ng magka holding hands!

."Sige na Liam liliko na ako, goodbye na" paalam ko, magkaiba kasi kami ng course. Sya Engineering tapos ako Psychology.



He Killed My FatherWhere stories live. Discover now