Like
Pag mulat ko ng mata ko akala ko si kiya jade yung natutulog sa tabi ng kama ko, si mardee pala. "mardee gising na" tumingin ako sa wall clock, 2:30 PM na. Apat na oras din akong nakapagpahinga
"Mhmmm?" tinignan nya ako at halatang kanina pa din sya natutulog dahil namamaga pa yung mata nya.
8:00 pa naman ng gabi yung party ni mac kaya makakapunta pa ako. Hindi na din ako makakabiki ng regalo dahil alam kong pipilitin din ako ni mardee na ibigay yung regalo na binigay nya sa akin sa kuya nya.
"mardee thank you ha kase binantayan mo ko" ngumiti lang sya at halatang pagod na din sya
Eh si liam kaya kamusta? Nakita ko kasing duguan na sya eh. Hala! Luna bakit ka ba nagaalala dun sa pangit na yun?!
Wala yung pakielam sayo.
Pero, Pero sya yung dahilan kaya nakahinga ako, may dala syang inhaler. Pero bakit? Nung una hindi nya nilabas yun? Hay nako luna! Hayaan mo na yun!
Tumayo na ako ng kama habang si mardee pinagmamasdan lang ako, nung pumasok ako sa banyo nagsalita na sya "Hindi ka na pupunta ng Party"
Ha!? Ayoko! Gusto kong pumunta baka kase mamaya magtampo yun si mac eh nag papagoodshot ako dun
Lumabas ako agad ng banyo sa sinabi nya "hindi, hindi pwede! Pupunta ako dun mardee!"
"HINDI PWEDE LUNA!" Nagulat ako sa sigaw na nanggaling dun sa pinto, si kuya jade.
"pero kuya-" pinutol nya na yung sinabi ko.
"KAPAG SINABI KONG AYAW KO AYAW KO!" sigaw nya pa at umalis na sa kwarto ko. Halatang galit na galit talaga sya
Yumuko na lang ako sa at bumalik sa kama ko at umupo "Luna kase nag usap kami ng kuya mo na wag ka na pumun-" hindi ko na sya pinatuloy sa pagsasalita
"Umalis ka muna mardee, gusto ko muna mapag isa" nagulat si mardee sa sinabi ko, kaya nalungkot din sya. Pero sinunod naman nya yung sinabi ko.
Nagsalita pa sya sa pinto bago lumabas "Luna gagawin ko lahat para makapunta ka, ganun kita kamahal" sabay kindat tapos labas.
Sorry mardee kase hindi ko masuklian yung mahal na sinasabi mo. Bakit kaya napaka over protective nila kuya. Feeling ko nakakulong lang ako sa mga braso nila. Oo naiintindihan ko na mahal nila ako at ayaw lang nilang mapahamak ako pero bakit? Nasasakal na ako, sana alam nila.
Naisip kong humiga na lang at magintay na makatulog.
Pero narealize ko na pwede naman akong lumabas eh, hindi naman ako pinagbawalan about dun.
Lumabas ako ng kwarto, dala dala ko yung wallet ko baka kasi pag lumabas ako mapabili ako hehe at naisipan kong i text si christian
To: Christian James Co
Cj! Can we hang out? Reply asap.
Nasa hagdan pa lang ako pero nag reply na sya agad
From: Christian James Co
Okay, I'll fetch you right now :)
Buti na lang bati pa din kami ni cj pagtapos ng lahat. Pagbaba ko nakita ko si kuya lee na nanonood ng paborito ng anime sa sala habang si kuya nasa kitchen at may kinakalikot sa kwarto nya. Tinitigan ako ni kuya jade, habang kumukuha ng tubig. Hindi ko sya pinapansin dahil sa ginawa nya.
YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...