Heart
Luna's PoV
Nagising ako sa maliwanag na kwarto, hindi ko alam king nasan ba ako. Medyo malabo pa yung mata ko kaya tinanggal ko yung kamay ko kase may nakakapit dito. Pagkakusot ko ng mata ko nakita kong nasa tabi ko si liam na biglang bigla
"teka lang luna tatawag akong doctor ha! Hintayin mo ko" bakit ba tarantang taranta sya, weird talaga nya. At bakit nandito sya at nga pala bakit nandito ako? Ang naaalala ko lang is nung.... Nung hinawakan ko yung pisngi ni liam. Shocks! Ginawa ko ba talaga yun!
Paplabas na sana si liam pero pinigilan ko sya "liam!!" napahinto sya tapos tumingin sa akin at lumapit
"may masakit ba sayo? Saan! Luna tell me" hala bat ang oa nya naman. Weird talaga nya ha, parang dati inaasar nya lang ako tapos ngayon alalang alala sya.
"Please dito ka muna" PUTA LUNA ANONG SABI MO!? Bakit huhu ang landi mo naman. Tandaan mo hindi na sya si liam na nakilala mo dati, dahil nagbago na sya.
Alam kong nabigla sya sa sinabi ko dahil napatulala sya "okay, sabi mo eh" ang bipolar nya talaga, bigla na lang sya kumalma.
"liam bat nga pala ako nandito?" tanong ko. Nakatingin naman sya sa mata ko habang ako nakatingin lang sa labi nyang kay pula at nag aantay ng sagot
"Wala ka ba talagang matandaan?" kung may natatandaan ako edi sana hindi ako nagtanong diba? Tanga lang liam?
Tumango ako at hindi nagsalita pero nanatili pa din yung tingin ko sa labi nya parang kasi ang sarap... Luh luna malandi ka! "bakit nakatingin ka sa labi ko? Iniisip ko tuloy na gusto mo kong halikan" ngumiti naman sya at nakita ko yung mapuputi nyang ngipin.
Sumimangot ako bigla at piningot yung tenga nya "Araaayy! Masakit luna tekaaa!" dapat lang sa kanya yan
"Hahalikan naman kita kung gusto mo luna eh" aba siraulo talaga! Eh kung suntukin ko na kaya sya
"siraulo! Kung gusto kong halikan kita liam edi sana matagal ko ng ginawa yun" tapos inirapan ko sya. Masyado kasing assuming, hindi porket gwapo sya gusto ko na talaga syang halikan
"Ganun ba? Pero lunaa..."
"ano bat napahinto ka? Ituloy mo!" nakatingin nanaman sya sa mata ko at mukhang seryoso na sya this time. Mas lalo syang gumagwapo kapag seryoso sya
"maniniwala ka ba kung talagang may gusto ako sayo" eto nanaman yung mga joke nya
"pwede ba liam! Ayoko muna mng makarinig ng mga biro mo" pag susungit ko pero nakakaramdam na ako ng kaba, kabang kahit kailan sa kanya ko lang nararamdaman.
"Luna hindi 'to biro, Gusto talaga kita" what!? Seryoso ba talaga sya? Sus! Kalokohan, si liam!? May gusto sa akin? Tsaka kung iniisip nya na gusto ko pa sya at umaasa pa ko pwes oo! ESTE HINDI NO! bakit naman ako aasa pa ulit. Ang dami dami ko ng problema dadagdag pa sya
Nananatili pa din yubg pagkaseryoso nya pero sige mag seseryoso na din ako "kung totoo yang mga sinasabi mo pwes patunayan mo" hinahamon ko ba sya? Huhu paano kung mapatunayan nya nga ano nang sasabihin ko. Ang tanga ko talaga
"hindi mo ba nararamdaman na kung saan ka pumunta na parang may sumusunod sayo?" huh? Pano jya naman nalaman yun.
"nararamdaman ko, pero TEKA!" SYA BA YUNG SUMUSUNOD SA AKIN!?
"oo luna ako yun, at nung nakita mong may kahalikan si mardee na ibang babae nandun ako nun pero kasi baka makita ako ni mardee kaya ayoko kitang lapitan. Palagi kitang sinusundan kahit sa malayo para mabantayan ka, tapos kapag umiiyak ka ako yung nasasaktan." napansin kong may luha ng pumapatak sa mga pisngi nya pero tinuloy nya lang yung pagsasalita "At naaalala mo din nung sa party nung birthday ni mardee?" hala oo nga nandun sya at.... At hinalikan nya ako!
YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...