Bati
Hindi ako pwedeng magkamali, sya nga yung humalik sa akin nung isang gabi. "IKAW!?" sa lakas ng pagkakasabi ko nagulat sila kuya.
"Namiss mo ba ko?" Pero bakit? Bakit sya pa?
Flashback
"hi bata!" habang naglalaro ako sa isang park may lumapit sa akin na isang bata.
"bata bakit nawawala ka ba?" tanong ko sa kanya kasi namamaga yung mata nya
"hindi bata, wala kasi akong kalaro eh" tinuro nya yung mga batang nag lalaro sa slide "ayaw kasi nila akong kalaro dahil pangit daw ako" kawawa naman sya kaya tumayo ako gaking sa pagkakaupo
"bata hindi ka naman pangit eh, sabi ni daddy wala daw pangit na nilikha si papa god" hindi sya kumbinsido sa mga sinabi ko kaya hinawakan ko yung braso nya
"kung walang pangit, bakit ayaw nila akong kalaro?" sabi nya at mukhang iiyak ulit sya
"huy bata! Hindi ka pangit at wag ka ng umiyak dahil sabi ni daddy hindi daw umiiyak ang mga boys" sa pagkakasabi ko napawi yubg mga lungkot sa mata nya
"talaga bata? Kung hindi ako pangit pwede ba kitang kalaro at maging kaibigan?"
"oo naman bata simula ngayon mag kaibigan na tayo ha!" nag apir kami at inabot nya ulit yung kamay nya pero yung hinliliit lang yubg nakalitaw, hindi ko sya maintindihan
"ano yan bata, bakit ginanyan no yung daliri mo?" tumawa naman sya sa pagkakasabi ko, wala namang nakakatawa eh "anong nakakatawa bata"
"hindi mo to alam bata? Haha!" siguro kaya ayaw sya isali ng nga kalaro nya dahil baliw sya "ang tawag dito bata ay oinky swear, tinuro sa akin to ng mommy ko"
"anong gagawin dyan?" tanong ko
Kinuha nya yung hinliliit ko at inipit sa hinliliit nya din "ito ang pinky swear bata, kapag nag gaganito tayo ibig sabihin nangangako tayo sa isat isa" hindi ko alam yun ah
"oo bata nangangako ako" pero teka ano ba oangalan nya? "bata nga pala ano pangalan mo?" ngumiti sya, kakaiba yung ngiti nya
"Liam ang pangalan ko bata, ano naman yung iyo?"
"ako si luna, liam" nakangiti naman kami sa isa't isa.
Habang nakangiti kami may pusang lumaoit sa kanya at binuhat nya ito "bata ano yan?"
"alaga ko 'to, sya si mae pusa ko sya." hala sabi ni daddy bawal ako dyan
"hala bata bawal ko dyan may sakit ako" nagulat naman sya at nalungkot
"akala ko pa naman makakapaglaro tayo kasama si mae, balak ko din sana ibigay sya sayo kase pupunta na kaming states eh" nalungkot din ako kase hindi na pala kami magkikita
"sige bata ganito na lang, sayo na lang 'tong bracelet ko. Pangalan ko nakasulat dyan, tapos kapag nagkita tayo ulit ipakita mo sa akin yan tanda ng pagkakaibigan natin" natuwa naman ako kase ang ganda ng bracelet. At totoo nga kasi nandito yung pangalan nya 'Liam'
"salamat bata ah! Sorry wala akong maisip na ibigay sayo" sabi ko
"okay lang bata basta ingatan mo yan ah, pag nawala mo yan di na tayo magkaibigan. Regalo pa kasi sa akin ni mommy yan eh" nalungkot naman ako kase paano naman kung mawala 'to edi hindi na kami magkaibigan
YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...