Chapter 13: Kiss

10 2 0
                                    

Kiss




Kanina pa kami naglalakad at sya nakatingin lang sa dinadaan namin habang magkahawak kamay. HHWW lang ganon. Kanina ko pa pilit na tinatanggal yung kamay nya pero masyado itong mahigpit kaya hirap na hirap ako. Nagsisimula na din akong mainis




"Liam! Bitawan mo ko ano ba! Nasasaktan ako" Hindi nya ako pinansin kaya mas lalo akong nainis. Alam kong nakangit sya, umbok na umbok yung pisngi nya mula sa likod eh, nangaasar talaga. "san ba tayo pupunta hoy!"





Nagulat ako nung humarap sya na may malapad na ngiti at nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko "san mo ba gustong pumunta ha?" sabay ngiti.




Hindi ako ngumiti dahil may nga pasa  pa sya sa mga mukha nya, kaya nag alala ako bigla. Ano luna!? Nag alala ka sa kanya? Bakit naman, landi mo!
"b-basta bi-bitawa m-mo ko!" narinig ko yung halakhak nya at amoy na amoy ko yung mabango nyang hininga at kitang kita ko ang mapupula nyang labi.



"what with the stuttering baby?" ha? Tinawag nya ba akong baby? Gago ba sya




"baby mo mukha mo" saka ko inuntog yung ulo ko sa ulo nya kaya nabitawan nya ako dahil iniinda nya yung sakit sa ulo na binigay ko, haha! Buti nga




Nagkaron na din ako ng pagkakataon na tumakbo pero habang tumatakboko may nakabangga ako na lalaki, si cj. Nung makita ko sya tumayo na ako at tumakbo ulit "TEKA LANG LUNA! HINTAYIN MO KO!" tumatakbo na din sya. Ano bang mga problema nila bakit ang kukulit nila.




Feeling ko hindi ko na kaya, ubos na lahat ng energy ko kakatakbo, buti na lang malapit na ako sa pinto ng gym kaya binilisan ko na yung takbo ko. Nang makapasok ko dumiretso na ako kay kuya, hindi pa din pala nag s-start.



"oh luna, bakit ka hinihingal? Inaatake ka nanaman ba?" hindi pa ako nakapagsalita dahil sa hingal, nakalimutan ko pala dalhin yung inhaler ko. "hoy luna magsalita ka nga! Nag aalala ako" hindi pa din ako makapagsalita at yubg kamay ko nasa dibdib ko lang




Magsasalita na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko "Hey luna, kaya ka ba nagagalit dahil dun sa mga condom ko sa banyo?" hindi ko pinansin si cj dahil ayoko muna syang makita at makausap. "please tell me yun ba?" tumingin ako sa ibang direksyon habang si kuya lee nagtataka.




Hinarap ko yung ulo ko kay kuya lee pero yung katawan ko nakaharap kay cj "kuya, iuwi mo na ko please"




Inalis na ni cj yung pagkakahawak sa braso ko dahil alam nyang naiilang na ako, kukuhanin na sana ako ni kuya lee pero tumakbo na lang ulit ako palabas. Pero teka asan ba si mardee bakit hindi ko sya nakikita sa school, may pasok ila ngayon ah.




Unexcuse kasi ako ni kuya sa lahat ng klase ko kaya free ako today. Pupuntahan ko na lang yung classroom ni mardee, wala kasi akong kasama eh




Pagkadating ko dun sa classroom nila, vacant pala nila kaya pumasok na lang ako bigla. Hinanap ko si mardee pero hindi ko sya makita, kaya nagtanong ako dun sa kaklase nyang lalaki




Kinalabit ko 'to at nagtanong "kuya nasan po si mardee?" tanong ko. Hindi agad sya nakapagsalita at natulala sa akin, dahil siguro kinausap sya ng isang luna sy.




Winagayway ko yung kamay ko sa mata nya pero hindi pa din sya matauhan. Kaya sa iba na lang ako nagtanong, dun sa babae. "ate nasan po si mardee?"




Sumagot naman agad sya "ah lumabas eh kasama yung kaklase naming babae, narinig ko pupunta silang cr"





"ah okay thank you" ngumiti ako at ngumiti din sya. Lumabas na ako ng room at dumiretso sa Comfort Room pero feeling ko habang naglalakad ako may sumusunod nanaman sa akin. Kaya binilisan ko yung paglalakad ko, habang naglalakad ako  nagulat ako sa nakita ko, feeling ko sirang sira talaga yung araw ko sa nakita ko.




He Killed My FatherWhere stories live. Discover now