Gusto
Hindi ko kaya silang tignan ng nagkakasakitan kaya tumayo na ako sa kinauipuan ko. "ano ba liam please ayoko ng gulo please lang" pagmamakaawa ko kay liam. Binitawan nya naman ito nung siinabi ko, Si cj naman nakangisi lang na parang inaasar si liam
"Pasalamat ka kung hindi wala ka ng ulo ngayon" sabi ni liam. Hindi naman na sumagot pa si cj alam nya kasing magagalit nanaman ako sa kanya kung papatulan nya pa si liam.
Tinignan ko si liam ng masama at hinatak ko sya paakyat para mag usap kami sa kwarto ko. Pinipiglas nya yung kamay nya pero hindi ko ito tinatanggal sa pagkakahawak "Saan ba tayo pupunta luna!" angal nya.
"mag uusap tayo" sabi ko. Naiinis ako kung bakit ganito sya, naiintindihan ko namn na gusto nya ako pero hindi naman dapat umabot sa ganun.
Pagkadating namin sa kwarto ko binitawan ko na sya, pagkabitaw ko ininda nya pa yung sakit sa kamay nya sa paghawak ko dito "ano bang problema mo luna!?" aba sinisigawan nanaman ako
"Ikaw! Anong problema mo!?" sinigawan ko din sya at alam kong naririnig kami nila kuya sa baba pero wala akong pakielam
"Gusto mo ba talagang malaman kung anong problema ko ha luna!!!" hindi talaga nagpapatalo tong hinayupak na to
"sige sabihin mo" hamon ko sa kanya.
"NAGSESELOS AKOO!!!" Natahimik ako bigla, talaga? Nagseselos sya? Nakatingin lang ako sa mga mata nya na puno ng lungkot "nagseselos ako luna alam mo ba yun! Sa tuwing may hahawak sayong lalaki feeling ko kinukuha ka na nya sa akin. Gusto ko ako lang, gusto ako lang ying hahawak dyan sa mukha mo sa pisngi mo at kahit sa ano pang parte ng katawan mo! Kaya please luna sana naman intindihin mo yung nararamdaman ko! Matagal ko ng inantau na mapalapit sayo at mag usapa tayo pero parang nasa iba yung atensyon mo eh! Bakit ka ba gan-"
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita kasi niyakap ko sya. Nabigla sya sa ginawa ko pero alam kong gusto nya rin naman, kahit kailan kasi wala akong narinig na ayaw nya akong maagaw ng iba. Sa tuwing kasama ko sya feeling ko naiinis ako at the same time kinikilig, sa tuwing lalapit sya nakukuryente ako at bumibilis yung tibok ng puso ko. Bakit ka ba ganyan liam
"Sorry liam" tumingala ako sa kanya at ngumiti naman sya
"Sorry din kung nasigawan kita, ikaw kasi eh nagpapadala ka dun sa lalaking yun" edi sorry liam hehe
"Liam..." sabi ko. Nakatingin lang sya at ako naman inaantay ko yung sasabihin nya.
"mhmm?" sagot nya.
Yakap yakap ko pa din sya at niyayakap nya na din ako ngayon. Yun nga lang ang higpit na nung sa kanya na akala mo wala ng bukas "Gusto mo ba talaga ako?" Seryso ba ako sa tanong ko!? May sariling utak ata ying bibig ko eh.
"Bakit mo namam natanong? Syempre Oo matagal na kaya kita gusto at hindi lang gusto kung 'di gustong gusto" natawa naman ako kase medyo may pag ka sarcasm yung pagkakasabi nya nun
"eh ikaw gusto mo din ba ako?" hala anong isasagot ko dito! Sinimulan mo yan luna kaya tapusin mo.
"Kung sabihin kong oo maniniwala ka ba?" SPELL BOBO! ang laki mo namang tanga luna, bakit ba nagpapadala ka dyan kay liam huhu ang landi mo talaga sagad puso't kaluluwa.
"Bakit hindi ako maniniwala eh kita naman sa mga mata mo" talaga nakikita sa mata ko? Yung ngiti nya ngayon hindi na hanggang tenga, hanggang langit na. Alam kong masaya sya sa sinabi ko.
"Pero... Hindi porket gusto kita eh, mahal na agad kita. Liam magkaiba yung mahal sa gusto" tama! Nice one luna, may naisip ka ding matino.

YOU ARE READING
He Killed My Father
RomansaPaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...