Chapter 5: Kriminal

6 4 0
                                    

Kriminal

Umuwi ako ng wala sa sarili at buong bahay nagtataka kung bakit, hindi ko naman masagot si kuya jade dahil iniisipbko kung sino ba talaga sya. Sino ba talaga yung taong yun. Bakit kase hindi ko natanong pangalan nya

Hindi ko alam kung ano na gagawin ko dahil nababagot na ako sa kwarto, hindi din kase ako makatulog dahil dun sa pesteng lalaki na yun.

"Luna? Gising ka pa ba? May sasabihin sana ako sayo eh" ano nanaman yang sasabihin na yan mamaya bad news yan ayoko na, tama na muna yung nga nangyari ngayong araw na 'to.

"Opo kuya lee pasok ka bukas yan"  pumasok si kuya at umupo muna ako sa kama ko pati na din si kuya

Mukhang seryoso si kuya dahil kitang kita sa mukha nya na seryoso sya. "bakit kuya lee? Ano pong problema?" bakit pa kase ayaw pa nilang diretsuhin

"Teka okay ka lang ba luna? Nahahalata ko kase simula nung umuwi ka wala ka sa sarili" sasabihin ko ba kay kuya? Baka kase gulpihin nila kuya yung lalaking yun eh kawawa naman

"Oo kuya masama kasi pakiramdam ko pero ano ba yung sasabihin mo?"


"ah wag muna siguro ngayon, bukas na lang para masigla ka na and magpahinga kana muna dahil makakasama sayo yan" nakakahalata na ako sa kanila ha, dati naman kahit hikain ako hindi sila ganito mag alala pero simula nung naospital ako dahil kay daddy ang oa na nila. "sabay na lang muna tayo pumasok bukas at saka ko na sasabihin, matulog ka na ha i love you" at saka hinalikan yung noo ko

"sige kuya, I love you too" pagkatapos nya ako halikan sa noo ko lumabas na sya ng kwarto ko.

Na curious tuloy ako bigla kung ano ba talaga yung sasabihin nya, bahala na nga pagod ako at bawal ma stress ang beauty ko.


Papikit na ako ng mag ring yung phone ko, nakita ko yung pangalan ni mardee sa screen "Hello?"

"Nagising ba kita Luna? I just want to say thank you for the gift. I do really like it." ano ba yan matutulog na lang ako papakiligin pa ako

"actually matutulog pa lang ako kaya no worries, and welcome kasi nagustuhan mo"

"okay, matulog ka na ayoko kita mapuyat, mamahalin pa kita Goodnight!" hindi man lang ako nakapag goodnight back sa kanya dahil binaba nya na agad

Kahit pala anong sama ng araw basta marinig mong masaya yung taong napaka halaga sayo mabubuo ulit to. Kung sana si dad lang yung nandito para sumaya ako hindi lang araw mabubuo, buong buhay ko buo na.


- - - -

"luna gising na!" heto nanaman tayo! Ang aga aga nangigising!

"isa luna! Di ka tatayo? Bubuhusan kita ng malamig na tubig dyan"

Ano ba tong tanda na to, alam ko namang hindi nya gagawin pero tumayo pa rin ako.

"Eto na po mahal kong jade! Tatayo na po" ngumiti naman sya at lumabas na.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at bumaba, nakita ko si kuya lee, mommy at kuya jade na nag uusap sa dining area mukhang seryoso sila.

"oh nandito ka na pala baby, kumain ka na para makapasok ka na" ano ba to si mommy tinawag pa akong baby

"mommy hindi na po ako baby! Tsaka 17 na ako kaya matanda na ako" tumawa naman sila pero bumalik din sa pagkaseryoso


"hoy luna may sasabihin kami sayo about dun sa pumatay kay daddy" seryoso na sabi ni kuya jade at yung ngiti ko napawi ng napaka tinding lungkot at galit.

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now