Liar
Maaga ako nagising, wala naman akong pasok ngayon dahil ang pasok ko lang is Monday, Tuesday, Wednesday at Friday lang. Thursday ngayon, sakto dahil ngayon yung birthday ni mac.
Binigyan kasi ako ng invitation ni mardee about sa party ni mac. Pero kasi... WALA PA KONG REGALO. Nakalimutan ko huhu
10:00 AM pa kasi yung bukas ng Mall so kahit nagising ako ng maaga wala rin kwenta dahil 10 pa yun. Pagtapos ko maghilamos at mag toothbrush nag ayos na ako ng mukha ko then bumaba
Naabutan ko sila kuya jade na kumakain kasama si kuya lee. Ang nakakapagtaka wala si mommy "kuya nasan si mommy?" si kuya lee lang yung lumingon
"Nag Grocery lang" ani kuya lee
Lumingon na naman si kuya jade nung nagsalita si kuya lee "Kumain ka na luna sabayan mo na kami pandak" grrrr! Epal talaga tong jade na to. Tumawa naman si kuya lee kaya inirapan ko sya.
Pagkaupo ko sa harap nila tinignan naman ulit ako ni kuya lee kaya tinignan ko din sya "Oy luna kamusta? Are you fine already" actually oo kuya masaya na ako dahil nasabi ko na
Hindi ko na sinagot si kuya pero nginitian ko sya
"okay, I'll take that as a yes" ngumiti din sya habang si kuya jade takang taka yung itsura.
"May hindi ba ako alam?" Yan kase masyadong busy kaya wala syang alam "hoy pandak?" tawag nya sa akin pero hindi ko sya nilingon
"May nang away ba sayo?" meron kuya, yung hayup na liam. Bugbugin mo nga pleaseeeSa puntong yun nilingon ko na sya "Kuya please, Don't be so over protective. I can manage myself okay?"
"talaga lang ha" tss! Wala talaga syang tiwala sa akin.
Pagtapos ko kumain lumabas muna ako dahil mamaya asarin lang ako ni kuya jade pag nasa bahay ako. May pasok kasi si kuya lee eh, magkaiba kami ng schedule. Habang naglalakad lakad ako sa labas ng Village feeling ko may nakasunod nanaman sa akin, kaya huminto muna ako saglit.
Pagkahinto ko, alam kong may nakatingin pa din kaya lumingon na ako sa likod. Pero wala, walang tao. Natakot na ako kaya nagpag desisyunan kong bumalik na ng bahay.
Pagbalik ko, pumunta na ako ng kwarto ko. Nahiga saglit at hinihintay na mag 10 dahil pupunta ako ng mall. Habang nakahiga may kumatok sa pinto "pasok, bukas yan" pagkabukas ng pinto nakita ko si mardee kaya napatayo ako mula sa pagkakahiga
"oh mardee ikaw pala, napadalaw ka?" nilapitan nya ako at pinisil yung pisngi ko.
"can you do me a favor?" anong favor naman kaya yan
"sure, anything!" masigla kong sabi
Lumabas sya saglit ng kwarto at bumalik lang naman. Pero may dala dala na syang box, wrapped na din ito. "teka mardee, pero hindi ko pa birthday! Saka ano laman nyan?" tumawa sya kaya nainis ako ng konti
Pero nung nakasimagot na ako, hininto nya na yubg pagtawa "ano ka ba! Kung birthday mo edi sana hindi ganito kaliit, baka nga mas malaki pa sa bahay nyo eh" siraulo.
"eh para kanino?" tanong ko
"Here's my favor, these days palaging bukang bunganga ni kuya mac na bibili sya ng ps4 and mga tape nito. Pero wala syang time bumili dahil always syang nasa work at umaalis ng maaga sa bahay"

YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...