Chapter 23: Park

5 2 0
                                    


Park

"pero kuya ayoko kasama yan!" angal ko kay kuya pero umiling lang sya, ayokong kasama si liam sa iisang bahay tsaka baka hindi lang kami magkasundo araw araw.

"Hindi pwede luna, Bumalik ka na sa kwarto mo at ipapahanda ko na lahat ng gamit mo" sabi ni kuya.

"pero-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi hinatak na ako palabas ni liam. Waaah hindi ko ata kakayanin na sya lang yung kasama ko buong araw sa loob ng iisang bahay.


"Take your rest baby, lilipat na tayo bukas" kung hindi lang utos ni kuya yun baka nasapak ko na to kanina pa.

Hinatid nya ko sa kwarto at pinapasok, nakita kong nakalabas na lahat ng gamit ko pati mga damit, wala na ding laman yung ibang drawers and cabinet ko "Una na ko, sleep tight baby" ni kiss nya ako sa noo pero parang ayaw ko pa sya umalis.

"Hindi ka mag s-stay?" tanong ko sa kanya. Kahit pala ayoko sya makasama buong araw hahanap hanapin ko pa din sya.

"Nope, Marami pa akong aayusin. But don't worry baby pag gising mo nandito na ako. Goodnight" tsk pag sya talaga wala dito pag gising ko magkakalimutan talaga kami.

"Goodnight, drive safely ha" ngumiti sya sa sinabi ko at lumabas na ng kwarto, mukhang pagod na si liam pero kinakaya nya pa din. Pinuntahan ko naman yung nga nakalabas na gamit ko, pati mga make up ko naka labas na din.

Pero ang mas naka pukaw ng pansin ko is yung box, pamilyar ito. Binuksan ko yung box na may kalumaan na din, pagbukas ko may nakita akong bracelet.

"i-ito yung bigay ni liam sa akin" bulong ko. Hindi ako pwede mag kamali, naitabi ko pala tong bagay na to. Akala ko kasi nawala ko na, ipapakita ko 'to kay liam bukas.




Nilagay ko ulit yung bracelet sa box at nilagay sa table ko. Saka na ako humiga sa kama ko, chineck ko yung cellphone ko kasi bigla itong umilaw, may text galing kay liam.


From: Liam Chua

Meet me at the park where we met tommorow morning at 5:00 AM. Goodluck :)

Ang weird naman, bakit may goodluck pang kasama tsaka bakit ang aga aga naman ata? Pero bahala sya, baka maaga talaga kami lilipat bukas kaya dapat din na magpahinga na ako. Nag set na lang ako ng alarm at natulog na

- - - -

Habang natutulog, narindi ako sa ingay ng alarm ko kaya dumilat na ako at tumayo para patayin yung alarm. Pagkatapos mag ayos lumabas ako ng banyo para tignan yung box kung saan may lamang bracelet. Kinuha ko yung braceket na bigay noon ni liam at sinuot ito. Ipapakita ko 'to kay liam.

Bumaba na ako ng kwarto, nakita ko sila yaya na gising na pala "Oh luna anak bakit ang aga mo ata?"

"ah kase magkikita kami ni liam sa park, wag nyo na lang po muna sabihin kila kuya, siguro mamaya na lang po pagising" lumabas na ako ng bahay para pumunta ng kotse.

Agad akong nag drive papunta sa park kung saan pinagusapan namin ni liam, lumabas na ako ng kotse at tumingin tingin sa park. Ang lamig naman dito, tsaka bakit parang wala naman si liam?

Nilalamig na ako dito sa kakaantay pero hindi hindi pa sya dumadating, palagi naman syang late kaya siguro ite-text ko na lang sya

To: Liam Chua

Dito na ako sa park, Still sleepy? Goodmorning. Im waiting here near at shed sa labas ng park, ano ba gagawin natin dito?

Nung na send na, umupo na lang muna ako sa bench dito sa may shed, bakit kaya ang tagal dumating ni liam?

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now