Laban
Wala akong balak replyan si kuya, tanging sila yaya lang naman yung nakakaalam na bigay ni dad tong sweater na to. Kaya malamang sila nag kwento
Pagkatapos ng klase, nag book na ako ng grab at inaantay ko ito sa labas ng school, ayoko muna umuwi. Hindi ko alam kung ano ba talaga dapat maramdaman ko eh.
Nang dumating yung grab sumakay na agad ako dito. Binook ko yung grab papuntang MOA gusto ko munang mapag isa para naman ma relax ako.
Pagbaba ko ng sasakyan, dumiretso agad ako sa seaside. At kamalas malasan "ano namang ginagawa mo dito?"tinaasan nya ko ng kilay
"bakit sayo ba 'tong MOA? at dapat ikaw lang?"
Aba aba! "Hoy liam! Napapansin ko ata palagi kang nasa paligid ko, kung nasan ako nandun ka din! Stalker ka ba?" Tinaasan nya ako ng kilay
"Excuse me? Sa gwapo kong to? Stalker mo? Hahahaha!" tawa sya ng tawa at napaupo pa sa sahig. Iniwan ko na lang sya sa inis, kahit nasa malayo na ako rinig ko pa din yung tawa nya.
Pagkarating ko sa seaside unupo na ako sa kung saan. Pinag mamasdan ko lang yung buwan na sobrang liwanag "pa kung nasan ka man sorry talaga" bulong ko.
"Mapapatawad ka din ng daddy mo" napalingon ako sa nagsalita at ngumiti naman sya. Sya nanaman
"ang hilig mo talagang sundan ako liam eh no?" ginulo nya yung buhok ko at saka umupo sa tabi ko
"Kung alam mo lang, matagal na kitang sinusundan" natahimik kaming dalawa sa sinabi nya.
Matagal nya na akong sinusundan? Weird naman nya. Mamaya ako naman patayin nya huhu "ano bang sinasabi mo dyan liam?"
Tumawa nanaman sya "Hindi ka talaga mabiro! Uto uto ka talaga, joke lang yun hahaha!"
Tawa sya ng tawa pero ako hindi natatawa, hindi ko sya pinansin kaya tumingala na lang ulit ako sa buwan. Habang nakatingin ako hinubad ko yung sweater ko at binaba yung tingin dito. "bakit ba suot mo yan kanina pa luna? Ano ba meron dyan eh tignan mo halata ngang ginupit yung hood" habang nagsasalita sya ako naman nakayuko dun sa sweater at tumutulo na yung luha "hala bat ko umiiyak? Wala akong ginagawa sayo ah!"
Hindi naman ikaw yung dahilan liam eh. Kahit ako hindi ko alam yubg dahilan. Una nawala si daddy pangalawa ang daming dumating sa buhay ko, pangatlo nagkasakit pa ko, pang apat dumating ka pa sa buhay ko, at pang lima hindi ko alam kung sino ba talagang mahal ko.
"Liam?"
"mhmmm?" di ko alam bakit bigla na lang sya bumait, parang kanina lang nagwawalang aso sya ngayon para ng tuta yung boses nya.
"pwede ihatid mo ko sa bahay?" ngumiti sya sakin at inakbayan ako. Nabigla ako sa akbay na yun kase hindi ko talaga inaasahan na gagawin nya yun
"akala ko pa naman kung ano na, tara na!"
Tumayo na kami at pumunta na ng kotse nya pero hindi pa din nya tinatanggal yung pag akbay nya sa akin.
Tinanggal nya lang ito nung pumasok na kami ng kotse nya at pinaandar ito. Habang nasa byahe nakatingin lang ako sa labas "Kung mahal ka nung taong nangako sayo dati luna at may nagawang kasalanan sayo mamahalin mo ba?" saan nya naman nakuha yung tanong nya na yan
"Depende, Kasi kung mahal nya talaga ako tutuparin nya yung pangako nya. Hindi gaya ng ginawa mo" ngumiti ako sa kanya pero seryoso yung mukha nyang nakatingin sa kalsada

YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...